Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo. Ako'y gigising na sa panaginip kong ito at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo.
- Kathang Isip (Ben&Ben)💜💜💜
Nilalagnat.
Kahit malakas na ang buhos ng ulan ay hindi na ako nagatubili pang puntahan siya.
Hindi na ako gumamit ng payong. Mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating sa bahay niya.
Nagpaligid ligid ako matapos kong pagpagin ang sarili ko. Gusto ko lang siyang kamustahin kung okay lang ba siya.
Nang makapasok ako ay tinumbok ko kaagad ang daan patungo sa kwarto niya. Alam kong magugulat siya pero wala na akong pakialam. Nang tumapat ako sa pinto ay napansin kong nakaawang iyon. Kakatok sana ako pero agad akong natigilan ng may marinig akong nagsalita.
"Hindi ko akalaing tinatamaan ka pa pala ng sakit." Boses iyon ng isang babae.
Sumilip ako.
"Inumin mo na 'to." Nakita kong umupo ang babaeng iyon sa gilid ng kanyang kama saka niya iniabot ang isang basong tubig. "Alam mo bang pinag-alala mo ako?" Ngumusong sabi ng babae.
Hindi ko kita ng buo ang mukha niya dahil nakatagilid siya samantalang nakaharap naman sa gawi ko si Daryl. Nakahiga siya sa kama at mukha ngang may sakit.
"Magpagaling ka na." Usal ng babae matapos nitong hawakan ang kanyang noo.
"Siguradong gagaling na ako. Magaling ang nurse ko eh."
Nurse ko.
"Kung hindi pa ako tinawagan ni Kyle ay hindi ko malalamang bigla ka pa lang nilagnat. Ang kulit mo kasi kanina eh. Sinabi ko ng--"
Pero hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. Hinalikan siya ni Daryl.
Nagulat ako. Hindi ko akalaing masasaksihan ko ang ganung eksena.
Agad akong pumihit patalikod. Sumandal sa pader. Pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko.
Pamilyar sa akin ang sakit na iyon. Para bang sakit noong makita ko si Iñigo kasama si Loisa.
"I love you, Daryl." Sabi ng babae.
Tumakbo ako. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni Daryl.
💜💜💜
"Good morning, Maxine!" Bati ni Danica nang madatnan ko siya sa kusina. Abala siya sa pagluluto.
"Good morning."
"Umupo ka na. Kakain na tayo."
Gaya ng sinabi niya ay umupo ako.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...