Here's to the ones that we got. Cheers to the wish you were here, but you're not. 'Cause the drinks bring back all the memories of everything we've been through. Toast to the ones here today. Toast to the ones that we lost on the way. 'Cause the drinks bring back all the memories and the memories bring back..memories bring back you.
- Memories (Maroon 5)💜💜💜
Ramdam ko ang pagkirot ng aking ulo nang magmulat ako. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko.
"Ahh.." Salo ko sa aking sintido.
Normal na sa akin ang ganito. Magising sa bawat umaga nang masakit ang ulo at nahihilo.
Saglit akong tumitig sa dilaw na kisame. Nagmuni-muni hanggang sa ang kulay ng pintura nitoy naging puti.
Taka kong kinuskos ang aking mga mata. Sa pagkakatanda ko ay dilaw ang kulay ng kisame ng kwarto ko at hindi puti.
Maang kong pinaglakbay ang aking mga mata. Ang malinis at maluwang kong kwarto ay bahagyang lumiit at dumumi.
Pumikit pikit ako para gisingin ang sarili ko. Baka kasi nananaginip lang ako. Tinapik tapik ko pa ang pisnge ko upang kalmahin ang umuusbong na kaba sa dibdib ko.
Muli akong pumikit. Enhale, exhale..at nagdilat.
Pero walang nagbago. Lunok.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang marealize kong hindi ako nananaginip! Agad akong napabalikwas ng bangon.
Dios ko po, nasaan ako?
Madali kong ininspeksyon ang katawan ko. Kung may masakit ba o kung may kumikirot na parte.
Ang puso mo. Bulong ng utak ko. Tsk!
"Mabuti naman at gising ka na."
Napapitlag ako sa takot nang marinig ko ang boses ng isang lalaki kasabay ng pagbukas ng pinto. Halos magkarambola ang lahat ng lamang loob ko nang mapabaling ako sa pinanggalingan niyon.
"S-sino ka?" Taranta kong tanong nang akma siyang lalapit. Humakbang siya pero agad ding natigilan ng itaas ko ang aking kanang kamay na parang si Iron Man. "Diyan ka lang! Huwag kang lalapit!" Banta ko.
Pinagkrus niya ang mga kamay at bahagyang ipinaling ang ulo. Napakaseryoso ng mukha niya. At nakakakaba 'yun.
"Ikaw 'yung nakatira sa kabilang bahay?" Malamig na tonong tanong niya.
Kabilang bahay? Napakunot ako ng noo saka ako bumaling sa bintana. Mula doon ay nakita ko ang bahay na tinutuluyan ko. Pero paano akong napunta dito?
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...