28

41 5 2
                                    

🎵🎶Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling

At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko sa iyong mga mata
At ang takot kong sakali mang ikay mawawala..🎵🎶

- Ikaw at Ako (Moira dela Torre)

Para akong naistatwa.

Nabitawan ko na ang lantern pero hindi parin iyon lumilipad sa ere.

Nanatili iyon sa harap ko. Hawak iyon ng taong nasa likuran ko ngayon.

Pinagmasdan ko ang mga kamay niya hanggang sa makita ko ang suot niyang bracelet.

Naaalala kong ibinigay iyon sa akin ni Tristan at isinuot ko sa kanya noong mag-agaw buhay siya sa ospital.

"Hindi ka lang niyan poprotektahan..ihahatid ka pa sa taong nakatadhana para sayo."

Hindi ko alam kung nananaginip lang ako pero ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Para iyong sasabog.

Nakita ko kung paano niya bitawan ang lantern sa kanyang mga kamay.

Unti unti iyong umangat sa ere.

Minasdan ko iyon saka ako pumihit paharap sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin nang makita siya. Naghahalu-halo ang nararamdaman ko.

Nang magsalubong ang mga mata namin ay nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha.

Yumuko siya upang ikubli iyon pagkatapos ay agad niya akong niyakap.

Tiyak ko ng hindi ako nananaginip.

"I missed you." Napakasimple ng katagang iyon at tagus na tagos sa puso ko.

Pero bakit ang sakit sakit?

"Sino ka?" Si Ranz.

Maagap ko siyang inilayo sa akin kahit pa nga nanginginig ang mga kamay ko.

Umatras ako at humawak sa braso ni Ranz.

Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan kaming dalawa.

Nagtatanong ang mga mata niya. Napakalungkot niyon.

"Kilala mo ba siya?" Tanong ni Ranz matapos niyang iyakap ang kamay sa aking baywang.

Batid kong ginawa niya iyon upang alalayan ako. Siguradong ramdam niya ang panlalamig at panginginig ng aking katawan.

Umiling ako sa tanong niya. "Umalis na tayo."

💜💜💜

Nabigla ako at parang nanaginip. Hindi ako makapaniwala.

"Siya ba ang fianće mo?" Tanong ni Ranz na nakabaling sa daan habang nagmamaneho. "Naikwento siya sa akin ni Danica. Noong umalis ka. Siya si Daryl, hindi ba?"

Hindi ako umimik.

"Bakit hindi mo siya kinausap kanina?" Muling tanong niya.

"Ang tagal niyang nawala.." Usal ko.

"Nabigla ka bang makita siya ulit?"

Napasinghal ako. Totoong nabigla ako sa pagbabalik niya pero mas nangingibabaw ang kirot sa puso ko. Lahat ng pangungulila ko sa kanya noon ay napalitan na ng galit at sakit. "Para siyang kabute. Biglang magpapakita at ano? Bigla ring mawawala kung kailan niya gusto?"

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon