How deep is your love
How deep is your love
How deep is your love
I really mean to learn
'Cause were living in a world of fools, breaking us down
When they all should let us be,
We belong to you and me- How Deep is Your Love (Bee Gees)
💜💜💜
6:30 na ng gabi nang puntahan ko si Calvin sa isang restaurant.
Nag-iwan siya ng note sa locker ko kanina. Mabuti na lang at walang nakakita doon.
"Ang akala ko ay hindi ka na darating." Usal niya. Nasa harap siya ng isang bilog na mesa. May mga pagkaing nakadulog doon at may kandilang ilaw sa gitna.
Romantic ang atmosphere pero hindi ako pinakikilig niyon. Ang totoo ay natatakot ako at kinakabahan.
"Hindi ako pumunta dito para makipag-date sayo, Calvin." Sabi ko matapos umupo.
Mapakla ang pagkakangiti niya. "But for me it's our first date."
"Tapusin na natin 'to. Huwag nating pahirapan ang isa't-isa sa mga pagkakamali natin sa nakaraaan."
"Sa tingin ko ay hindi iyon isang pagkakamali. Itinakda talagang magkita pa tayo ulit ng tadhana."
"Nagsorry na ako sayo. Ano pa bang gusto mong gawin ko?"
"Makipagbreak ka na sa boyfriend mo."
"Ano?! Nababaliw ka na ba, Calvin?"
"Bibigyan kita ng panahong mainlove sa akin."
Tumayo ako habang umiiling. "Tigilan mo na 'to." Dapat ay hindi ako pumunta dito.
"Hindi mo alam kung ano ang mga hirap na pinagdaanan ko noon. Nabuhay ako para sayo."
"Para ano? Para maghiganti sa akin?"
"Wala akong masamang intensyon sayo, Maxine."
"Masaya na ako, Calvin."
Nagkibit balikat siya. "Hindi ka pa sigurado sa kanya."
"Alam ko kung ano ang nararamdaman ko. Mahal ko si Daryl."
Humiwa siya ng pagkain pagkatapos ay ngumuya. "Saluhan mo ako bago ka umalis. Iyon na lang ang hihilingin ko sayo."
Duda ako pero umupo ako ulit. "We can be friends pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo."
"Hindi pa man ako nanliligaw ay binabasted mo na ako. Naiinggit na tuloy ako sa Daryl na 'yun."
"Madami na kaming pinagdaanan. Kilala ko na siya bago pa man maging kami. Minahal ko na siya noon pa man."
Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Okay, tatanggapin ko ang pagkatalo ko ngayon pero hindi nangangahulugang sumusuko na ako." Inilapag niya ang tinidor pagkatapos ay nagpunas ng bibig. "Maghihintay ako hanggang sa mapagod kang mahalin siya."
Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Mapapatawad lang kita kapag ibinigay mo na ang puso mo sa akin."
💜💜💜
Umuwi ako ng puno ng pangamba at alalahanin. Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng napakalaking kasalanan kay Daryl.
Bumaba ako ng sasakyan pagkatapos ay nagdoorbell sa gate ng bahay niya. Binuksan niya iyon.
"Babe.."
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...