22

39 4 2
                                    

Now the day bleeds into nightfall
And you're not here to get me through it all
I let my guard down, and then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved

- Someone You Loved (Lewis Capaldi)

💜💜💜

"It's nice to see you again." Usal niya.

Pakiramdam ko ay nanginig ang mga tuhod ko. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"

Ngumisi siya. "At bakit naman kita susundan eh ikaw ang past nightmare ko."

Nagitla ako sa sinabi niya.

"Hindi ka ba masayang makita ako? Hindi ka man lang ba mag so-sorry sa ginawa mo sa akin noon?" Saka niya hinimas ang pisnge.

Sinuntok ko siya noon at kamuntikan na siyang mamatay. Dahil doon ay nagbagong bigla ang buhay ko.

Napayuko ako.

"Well, past is past. I don't hold grudges." Usal niya. Inilahad ang kamay sa harap ko. "Magsimula tayo ulit. Kalimutan na natin ang nangyari. Let's be friends."

Nanatili sa harap ko ang kamay niya. Hindi ko iyon inabot.

Pilit kong binabasa ang tumatakbo sa isip niya.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya pero ang pinagtataka ko ay bakit bigla na lang siyang nagpakita? Bakit dito sa Tierra? Paano niya ako natagpuan sa lugar na 'to?

Nandito ba siya para maghiganti?

"Ikaw parin pala ang dating Maxine.." Anito na napapahiyang binawi ang nakalahad na kamay pagkatapos ay may hinugot sa bulsa ng kanyang bag. Inabot niya iyon sa akin. "Ang sabi ng Mommy ko ay iniwan mo 'yan sa ospital bago ako dalhin sa America."

Naaalala ko nga iyon. Isa iyong sulat. Hindi ko akalaing nasa kanya parin iyon hanggang ngayon.

Sinabi ko doon na humihingi ako ng sorry. Paulit-ulit.

"Gusto kong ibalik sayo 'yan." Kinuha ko iyon. "Hindi ko 'yan matatanggap dahil gusto kong hindi manggaling dyan ang paghingi mo ng sorry. Gusto kong marinig iyon mula sayo ng personal."

"S-sorry." Yumukod ako. Sinsero. Hinintay ko rin na mangyari ang araw na ito. Ang makahingi sa kanya ng tawad sa nagawa ko.

"Tsk!" Singhal niya.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pag-iling niya. Base sa reaksyon ng mukha niya ay hindi siya kumbinsido.

"Ganito na lang. Sabay tayong maglunch pagkatapos ay tatanggapin ko na ang sorry mo."

"Huh?"

"Gusto mong mapatawad kita, 'di ba?"

Bahagya akong tumango.

Kinuha niya ulit ang mga libro ko. "Okay, let's go."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon