Malay mo, tayo sa dulo
Hindi natin masabi kung
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig
Handa kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
- Malay Mo, Tayo (TJ Monterde)💜💜💜
"HOW DARE YOU!" Sigaw ni Tristan.
Napapitlag ako sa lakas niyon. Nakakatakot.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Margaux. Nakita ko kung paano siyang mapaluha. Hawak niya ang kanyang pisnge. Nanginginig.
"T-tristan.." Anas niya.
Napapikit ako. Pakiramdam ko kasi ay gumewang ang paligid ko at para bang hihimatayin na ako.
"Maxine!" Mabilis akong nilapitan ni Tristan. Pinagsaklob niya ang mga kamay sa aking pisnge. Mainit iyon.
Pinilit kong dumilat. Nakita kong alalang-alala siya.
Agad kong naramdaman ang pagdaloy ng aking mga luha.
Nagtiim bagang siya saka niya ako binuhat.
Wala na akong lakas. Ang gusto ko na lang ay ang makalayo sa lugar na iyon.
💜💜💜
Dinala niya ako sa clinic. Ginamot ang mga kalmot at pasa ko.
Mahapdi iyon pero nagpapasalamat ako dahil dumating siya.
"Salamat, Tristan." Mahinang sabi ko.
Huminga siya ng malalim at saglit na natigilan sa ginagawa. Hawak nito ang bulak at betadine.
Tinignan niya ako sa aking mga mata pero dagli ko iyong iniwasan.
"Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry sayo." Usal niya. "Sobrang dami ko ng atraso."
"Wala kang kasalanan.." Sagot ko.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad?"
Napayuko ako.
"Sana naprotektahan kita."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Okay na ako."
"Tsk! Okay? Tignan mo nga ang nangyari sayo. Ang dami mong kalmot, ang dami mong pasa." Nanlulumong anito.
Iniunat ko ang mga kamay ko. Pareho iyong puno ng mga band-aid. Meron din sa leeg at bandang pisnge.
Muli niyang pinagpatuloy ang pagpahid sa gilid ng aking labi. "Bakit hindi ka lumaban?"
"Mas lalala lang kapag ginawa ko 'yun."
"Edi sana tumakbo ka na lang." Medyo napadiin niyang dutdot.
Napangiwi ako sa hapdi niyon.
"Alam mo bang gusto kitang batukan?" Seryosong sabi niya pero hinawi at inayos niya ang buhok ko.
Napakagulo niyon kanina. Ang akala ko nga ay hihiwalay ang scalp ng buhok ko sa aking ulo dahil sa paghila nilang tatlo.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...