Where are you now
Another dream
The monsters running wild inside of me
I'm faded
- Faded
(Alan Walker)💜💜💜
"Maxine?" Turan niya nang makita ako. Batid kong nagulat siya.
"Bea.." Halos hindi ako nakakilos.
Nakita kong nakasuot siya ng aperon habang hawak ang sandok. Mukha siyang modelo niyon sa isang cooking show. Naamoy ko ding may niluluto siya at aaminin kong nakakagutom iyon.
"What are you doing here?" Tanong niya kasabay nang pagbukas ng pinto ng kwarto.
Iniluwa niyon si Daryl. Pareho kaming napalingon sa kanya.
"Oh, bakit bumangon ka na? Okay ka na ba?" Masuyong tanong ni Bea.
"Okay na ako." Nakangiting sagot niya pero agad din iyong napalis nang mapabaling siya sa akin. "Maxine.."
"Magkakilala pala kayo?" Tanong ni Bea.
Saglit siyang natigilan. "Pinsan siya ni Kyle." Sagot niya.
"Ow.." Napa "o" shape ang bibig niya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Tumangu-tango pa siya na para bang inaabsorb ng mabuti ang narinig. Matapos niyon ay ngumiti siya. Lumapit sa akin saka inabot ang dalawang plastik na hawak ko. Binitbit niya iyon at inilapag sa ibabaw ng mesa. "Small world. Hindi ko akalaing ikaw pala ang pinsan ni Kyle."
Tipid akong ngumiti.
Totoong napakaganda ni Bea. Para siyang anghel na ipinadala sa lupa.
"You're Maxine, right? Palagi kang kunukwento sa akin ni Tristan mula nung aksidente ka niyang matamaan ng bola. By the way, I'm Trisha Beatriz Gonzales. You can call me, Bea." Inilahad niya sa harap ko ang kamay.
Inabot ko naman iyon. "Maxine."
Hindi ko pa siya kilala pero matagal ko nang naririnig ang pangalan niya.
"Pasensya ka na ulit sa kapatid ko. Alam kong hindi niya iyon sinasadya."
"Okay lang 'yun--"
"Hindi okay 'yun." Sagot ni Daryl. Inismiran niya ako bago siya umupo sa harap ng mesa. "Paano kung nagkabloodclot ka sa utak? Delikado 'yun pero mabuti na lang matigas ang ulo mo."
"Ano?!" Matigas ang ulo?! Napakunot ang noo ko.
Huminga ako ng malalim. Ayokong patulan siya lalo pa at nasa harap kami ni Bea.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.
"Mukhang napakaclose niyong dalawa.." Si Bea. Ngumiti siya pero mukhang pilit iyon. Nagpalipat lipat pa siya ng baling sa amin hanggang sa magkatinginan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...