Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin- Halik sa hangin (Ebe Dancel)
💜💜💜
Gusto niya ako.
Hindi parin ako makapaniwala habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog.
Hindi niya alam kung gaano ako kasaya.
Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha.
Napakasarap niyang titigan. Itataya ko ang buhay ko mapatigil lang ang oras at matitigan siya habang buhay.
Bahagya akong lumapit sa kanya. "Goodnight, Maxine." Saka ko siya dinampian ng halik sa noo.
💜💜💜
Maaga akong nagising. Ang totoo ay hindi naman ako nakatulog ng maayos.
Hindi ko kasi makalimutan ang mga sinabi niya kagabi. Paulit-ulit iyong bumubulong sa aking isip na para bang napakagandang awitin.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Halos liparin ko ang daan paakyat ng hagdan.
Napakalakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang tumapat ako sa pinto ng aking kwarto.
Kagabi kasi ay iniwan ko siya doon at sa Guest Room ako natulog.
Kumatok ako. Tatlong ulit pero wala akong tugong natanggap mula sa loob.
Pinihit ko ang pinto. Bumukas iyon. Sumilip ako at nakita kong natutulog parin siya.
Lumapit ako pagkatapos ay dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.
Umalon iyon pero hindi ko inaasahang magigising siya.
Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang oras. Nagslow-mo hanggang sa magpako ang aming mga mata.
Hindi ko akalaing magigising siya sa napakahinang pag-uga ng kama.
Lunok.
"Daryl.."
Para bang nakiliti ang tenga ko. Ganung ganun kasi niya sinimulang sabihin na gusto niya ako.
"..anong ginagawa mo dito?" Dugtong niya.
Pipikit pikit siya at mukhang wala pa sa huwisyo para bumangon.
"B-breakfast." Nasabi ko dahil sa kaba.
Agad niyang iniangat ang kamay saka binalingan ang kanyang relo. Walang anu-ano ay bigla na lamang siyang bumangon.
"Naku po, malilate na ako!" Tatayo sana siya pero bigla siyang napahawak sa sintido at mariing napapikit. "Ah!"
Okay ka lang?"
Tumango siya pero mukhang kabaliktaran iyon ng nakikita ko.
"Laklak pa more."
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...