4

69 9 2
                                    

Hindi tayo pwede. Pinagtagpo pero hindi tinadhana. Hindi na posible ang mga puso'y huwag nating pahirapan. Suko na sa laban. Hindi tayo pwede.
- Hindi Tayo Pwede (The Juans)

💜💜💜

Nakakainis!

Para akong yaya ng isang batang inulila ng mga magulang!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Para akong yaya ng isang batang inulila ng mga magulang!

Pinagpag ko ang damit ko matapos kong gamitin ang banyo.

Inis ko siyang binalingan habang mahimbing ng natutulog.

"Ngayon ko lang narealize..ang ganda mo pala sa malapitan."

Nakita kong ngumisi siya. Sinungaling!

Padabog akong naglakad patungo sa pinto palabas pero natigilan ako ng tumapat ako sa salamin. Hinaplos ko ang mukha ko. Malapit at malayo alam kong maganda ako. Hmp! Sabi ko sa aking isip.

"Bea.."

Natigilan ako.

"Bea."

Bea?

Dahan dahan akong lumapit. Umupo ako sa gilid ng kanyang kama. Sinong Bea?

Naghintay ako pero laking gulat ko nang bigla niya akong hilain.

Ramdam ko ang matinding karambolang lumagabog sa aking dibdib. Niyakap niya ako. Nang mahigpit.

Nagpumiglas ako hanggang sa mabitawan niya ako.

Tumayo ako sa harapan niya hawak ang aking dibdib. Sa tapat ng aking puso.

Napakabilis niyon. Hindi ko iyon maipaliwanag pero kinakabahan ako.

Hindi!

Tumakbo ako. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba at hindi ko iyon gusto.

💜💜💜

"Good morning!" Bati ni Danica. Ang aga niyang nagising.

Nakasuot siya ng aperon habang hawak ang siyanse.

"Halika na, nakahanda na ang breakfast." Aniya.

Tipid akong ngumiti. Umupo ako sa harap ng mesa.

"Good morning!"

Lunok.

Agad akong napabaling sa gilid ko. Hindi ko napansing may nakaupo doon.

Kumaway siya nang matulala ako.

"A-ano nanamang ginagawa mo dito?" Inis kong sabi. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pagsuka sa akin. Pati narin ang pagyakap niya.

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon