You need a man
Who holds you for hours
Make your friends jealous
When he brings you flowers
And laughs when he says
They don't have the love like ours
There somebody out there who will- Somebody Out There (A Rocket to the Moon)
💜💜💜
"Masyado ka naman yatang demanding?" Naitaas ko ang kilay ko. "Sige, huwag ka na lang umuwi. Babalik na ako sa Pilipinas, bahala ka sa buhay mo!"
Nataranta siya sa sinabi ko. "Binibiro lang kita, babe, tara na." Inakbayan niya ako. "Pero mas okay sana kung papayag ka."
"Tsk!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Umayos ka nga."
"Magkapitbahay lang naman tayo kaya okay lang talaga sa akin, babe. At tsaka, tayo narin naman."
"Hoy, Daryl, huwag mong ipagkakalat na tayo ha. Baka maniwala sila sayo."
Natigilan siya sa paglalakad. "Hindi ba?" Lumungkot ang mukha niya.
"Hindi pa."
"Hindi pa?" Ulit niya.
Bakit sinagot ko na ba siya? Ang natatandaan ko kasi ay hindi pa. "Daryl.."
"Sinasaktan mo ako."
Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Masyado kasing mabilis. I mean, dapat ay magfocus muna tayo sa paggaling mo."
"Okay na ako. Pero kung tatanungin mo kung ano ang lagay ngayon ng puso ko?" Dinagukan niya iyon. "It's bleeding."
Ang o.a. mo naman.. Gusto kong sabihin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"Okay lang, Maxine, naisip ko na 'yan." Bagsak ang mga balikat niyang pumasok at nagtuloy sa waiting area.
Sinundan ko siya.
Medyo nakukonsensya ako dahil ang lungkot lungkot niyang tignan. Pero hindi naman ako pwedeng magpabigla bigla dahil sa emosyon ko. Limang buwan kaming nagkasama dito sa America at halos dalawang buwan mula ng magising siya. Pareho kaming tumira sa iisang bubong. Aaminin kong nahirapan ako lalo na ang ipakita ang tunay kong nararamdaman. Ayokong mabaliw ulit ng dahil sa bugso ng damdamin ko kaya kahit na alam kong pareho naming mahal ang isa't isa ay pinilit kong idinestansya ang sarili ko. Napatunayan ko ding hindi pa ako handa. Mahal ko siya pero natatakot parin akong magtiwala. Naramdaman ko na kasi ang sayang katulad niyon. Ayokong umabot kami sa puntong ako na lang ulit ang nagmamahal at ako na lang ulit ang iiwan sa bandang huli.
Umupo ako sa tabi niya saka ko hinawakan ang kamay niya pero hinawi niya iyon pagkatapos ay pinagkrus upang itago sa ilalim ng kanyang kilikili.
Saglit niya akong binalingan pero agad din nag-iwas ng tingin. Daig niya pa ang babaeng nagtatampo!
💜💜💜
Madilim na nang makalapag ang eroplanong kinalunanan namin sa Maynila.
Dumiretso kami sa bahay. Oo, wala akong choice kundi ang isama siya para magpakita sa parents ko.
Nang makapasok kami sa gate ay agad kaming sinalubong ng mga kasambahay. Aligaga nilang binitbit ang mga dala naming gamit. Sina Mommy at Daddy naman ay nasa bungad lamang ng pinto at naghihintay.
Patakbo akong lumapit sa kanila. "Maxine, anak." Niyakap ako ni Daddy gayun din si Mommy.
Sobrang namiss ko sila.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...