23

35 3 2
                                    

What if we rewrite the stars
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars
Maybe the world could be ours
Tonight

- Rewrite the Stars

💜💜💜

"Nagsinungaling sa akin si Dad, pati narin si lolo." Usal niya.

Nakaupo kami sa buhanginan habang tanaw ang payapang alon ng dagat.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ayokong mag-alala ka.."

"Pero pinag-alala mo na ako ng sobra."

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nang malaman kong buhay si Mommy pinuntahan ko siya kaagad. Sobrang saya ko pero nang makita ko kung ano ang kalagayan niya pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ko alam kung bakit siya humantong sa ganito. Ni hindi niya na ako makilala." Garalgal ang boses niya. Napakahopeless niyang tignan. "Bakit nangyari sa kanya 'to? Bakit pinalabas nila Daddy na patay na siya?"

"Siguradong may dahilan sila kung bakit nila inilihim sayo ang lahat."

"Hindi ko sila mapapatawad, Maxine."

"Huwag mong sabihin 'yan. Sila parin ang pamilya mo."

"Pamilya din nila ang Mommy ko..pero bakit nila 'to nagawa?" Yumuko siya upang ikubli ang pagluha. "Nang mawala ang Mommy ko, nagpakasal agad si Dad sa Mommy ni Margaux. Pinalabas nilang patay na si Mommy. Nagpakasaya siya sa piling ng babaeng 'yun samantalang si Mommy, nandito..walang pamilya at ibinaon na sa limot ng sarili niyang asawa!" Umiling siya. "Hinding hindi ko siya mapapatawad." Batid ko ang galit sa tinig nito.

Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Naiintindihan ko kung bakit mo nararamdaman 'yan ngayon pero sana huwag mong hayaang galit ang pumuno sa puso mo para hindi magpatawad. Naniniwala akong magiging maayos din ang lahat."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I'm sorry.." Suminghap siya. "Ayokong makita mo ako ng ganito. Dapat kasi ako 'yung nagpapasaya sayo ngayon..hindi tulad nito."

"Daryl, gusto kong malaman mo na nandito lang ako. Ano mang sitwasyon ng buhay na dumating sayo..huwag mo sanang kakalimutang nag-iisa ka. Nandito ako para sayo at hindi kita iiwan."

Nakita ko ang pamumuong muli ng luha sa kanyang mga mata pero pilit niya iyong ikinubli sa akin.

Pinagsaklob ko ang mga kamay ko sa kanyang magkabilang pisnge. "Pwede bang ngumiti ka para sa akin?"

"Hindi na ba ako gwapo sa paningin mo?"

"Ikaw ang pinakagwapo sa paningin ko pero mas gusto kong makita 'yung nakangiting ikaw."

Hinawakan niya ang mga kamay ko mula sa kanyang pisnge. Ngumiti siya. "Thank you, babe. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

"Magpromise ka sa akin na hindi mo na uulitin ang ginawa mo. Ayokong bigla ka na lang mawawala. Gusto kong ako ang unang makakaalam ng lahat ng nangyayari sayo. Masaya o malungkot, gusto kong ako ang kasama mo."

Tumango siya. "I promise." Saka niya ako niyakap. "Namiss kita ng sobra, babe."

"Namiss din kita." Pagkasabi ko niyon ay bahagya akong kumawala pero hindi niya ako binitawan.

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon