21

34 4 4
                                    

I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do
Is grow old with you

-Grow Old with You (Adam Sandler)

💜💜💜
DARYL'S POV

"Will you be my boyfriend?" Tanong niya.

Speechless. Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko.

"Uhm..ahh.." Lumikot ang mga mata niya.

"U-ulitin mo nga ang sinabi mo?" Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko.

Napakamot siya sa ulo. "Ah..hahah..ang sabi ko.." Lumunok siya. "Gusto kitang maging.."

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan siya na animoy kamatis sa sobrang pula.

Bahagyang kumunot ang noo niya. "..hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Umiwas siya ng tingin pero hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Please, say it again."

"Alam mo, Daryl, dapat naglilinis ka ng tenga." Irap niya.

"I heard you. I just want to hear it again."

"Narinig mo naman pala eh. Ano? Payag ka? Kung ayaw mo eh di..bahala ka." Para siyang bata.

"Ulitin mo na kasi." Pilit ko. Hinablot ko pa ang cellphone ko para irecord ang sasabihin niya.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong niya.

"Sabihin mo ulit. Please?"

"Parang timang. Dapat nga ikaw ang nagtatanong niyon sa akin." Nakangusong aniya.

"Maxine, will you be my girlfriend?"

Natulala siya pagkatapos ay tumango.

"Anong?" Saka ako tumango. Hindi kasi iyon marerecord. "Is that a yes?"

Tumango ulit siya.

"Say it, babe. Tayo na ba?"

"Hmn. Tayo na."

Kami na. Officially boyfriend and girlfriend.

Ang akala ko ay patatagalin niya pa ang paghihintay ko. Willing naman ako kahit gaano katagal pero hindi ko lang akalain na ganun kasaya sa pakiramdam.

Sigaw ako ng sigaw sa loob ng sasakyan.

"You don't know how much you made me so happy." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you, babe. Pinapangako kong hindi mo pagsisisihang sinagot mo ako. Araw araw kitang liligawan. Araw araw kong ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita."

"Mahal din kita, Daryl. Mahal na mahal." Sagot niya.

Para bang ayoko ng matapos ang araw na iyon. Gusto kong tumigil ang oras habang yakap ko siya. Gusto kong hindi na iyon matapos.

💜💜💜

Habang nasa byahe ay pinihit ko ang audio. First time ko siyang marinig kumanta. Sinasabayan niya ang tugtog.

Kung gaano siya kaganda ganun naman kapangit ng boses niya.

Pero wala siyang pakialam. Ang tibay! Pumipikit pikit pa!

Hindi ko naman siya mapigilan dahil kakasagot niya lang sa akin. Natatawa na lang ako ang kaso ay hindi siya tumitigil. Medyo masakit iyon sa tenga lalo na ang tempo niya. Haist! Pinatay ko iyon bago pa man sumabog ang eardrums ko.

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon