Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muliKung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka- Kung Di Rin Tayo Sa Huli (December Avenue feat. Moira dela Torre)
💜💜💜
DARYL'S POV
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang paglangitngit ng pinto.
Medyo madilim pa pero pinilit kong bumangon.
Paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Agad ko siyang hinanap sa paligid pero hindi ko siya makita.
Nagmamadali akong nagbihis. Tumakbo ng marinig ko ang pagandar ng makina ng sasakyan.
"Maxine!" Sigaw ko nang makita siyang nagmamaniobra paalis.
Umuulan man ay hindi ko na inalintana.
Umikot ako patungo sa kabilang daan kung saan siya lalabas pagkatapos ay iniharang ko ang aking sarili.
"Maxine, please huwag mo akong iwan!" Kinalampag ko ang kotse niya. Nagmamakaawa.
Umiiling siya habang umiiyak.
"Maxine, please! Bumaba ka dyan! Mag-usap tayo!" Para akong tanga. Para akong mababaliw! "Maxine!"
Ilang ulit siyang bumusina pero hindi ako umalis. Hindi ko siya hahayaang umalis.
Iniatras niya ang sasakyan. Hinabol ko iyon pero muli niyang pinausad. Huminto ako at humiga sa gitna ng daan.
Wala akong pakialam!
Kahit sagasaan niya ako. Huwag lang siyang umalis.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Ano bang ginagawa mo?! Umalis ka dyan!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. "Ano ba?! Umalis ka sabi dyan!"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo pinapangakong hindi mo ako iiwan." Nanatili ang paningin ko sa itaas. Pinapaliguan ng malakas na ulan.
"Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Daryl?!"
"Dahil mahal kita! Ayokong mawala ka. Ayokong mapunta ka sa iba!"
"Pabayaan mo na ako."
Umiling ako. "Mamamatay ako, Maxine. Hindi ko na kakayanin ang mawala ka." Kagat ko ang labi. Pinipigil ang mapaluha sa harap niya. "Sige! Sagasaan mo na ako! Kahit patayin mo pa ako, hindi ako aalis dito!" Mariin kong sabi.
Rinig ko ang malalim niyang paghinga pagkatapos ay tumakbo siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makita kong bumalik siya sa office.
Tumayo ako ng putikan. Bagsak ang bilikat na nagtungo sa kanyang sasakyan. Pinatay ko ang makina niyon saka ko kinuha ang susi.
Nang bumalik ako sa office ay nakita ko siyang nakaupo sa hagdan. Umiiyak.
Ayoko iyong makita kaya inilapag ko sa paanan niya ang susi.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...