26

38 4 5
                                    

Remember me
Though I have to say goodbye
Remember me
Don't let it make you cry
For even if I'm far away
I hold you in my heart
I sing a secret song to you
Each night we are apart

Remember me
Though I have to travel far
Remember me
Each time you hear a sad guitar
Know that I'm with you
The only way that I can be
Until you're in my arms again
Remember me

- Remember Me (Coco Ost - Song cover by Joseph Vincent)

💜💜💜

We are engaged. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko.

Totoong nagulat ako. Nabigla.

Hindi ko naisip na magiging ganito kabilis ang lahat. Para bang nakalutang sa alapaap. Hindi mo na nanaisin pang matapos ang oras.

"Yes?" Hindi siya makapaniwala. Kanina ay naging balisa siya pero agad napawi iyon. Dahan-dahan siyang tumayo.

Tumango ako upang kumpirmahin ipinagkakatiwala ko na sa kanya ang buong buhay at puso ko. "Yes!"

Niyakap niya ako ng mahigpit kasabay ng palakpakan sa aming paligid.

"Babe, thank you. Sobrang saya ko, alam mo ba 'yun?" Dinig kong sabi niya habang nakahilig sa aking balikat.

"Masaya din ako. Mahal na mahal kita, Daryl. Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang."

Bahagya siyang kumalas saka ako dinampian ng halik sa aking noo. "Aalagaan kita at mamahalin habang buhay."

"Oh sandali lang, hindi pa ito kasal." Singit ni Kyle.

Nagtawanan ang lahat. Binati nila kami.

Niyakap ako ni Mommy. "Haay ang baby ko mag-aasawa na."

"Thank you, Mom. For allowing us." Napapaisip parin ako kung paano niya napapayag sila Mommy.

"Malaki ang tiwala ko kay Daryl. Alam kong iingatan ka niya gaya ng pag-iingat namin sayo ng Daddy mo." Usal ni Mommy habang nakabaling kay Daryl.

"Teka, kailan niyo ba balak magpakasal?" Tanong ni Daddy. "Ang totoo, excited na akong magkaroon ng apo."

Siniringan siya ni Mommy.

"As soon as possible po, Mom, Dad." Sagot ni Daryl. Tinawag niyang Mom at Dad ang parents ko.

💜💜💜

"Babe, magpakasal na tayo ngayon." Yakap niya ako habang ninanamnam namin ang malamig na simoy ng hangin mula sa dalampasigan. Hinintay namin ang pagsikat ng araw.

"As in ngayon na?" Biro ko.

Ipinihit niya ako paharap sa kanya saka siya tumango. Singkit na singkit ang mga nakangiti niyang mata. "Pagkatapos nating magpakasal, gagawa kaagad tayo ng maraming anak."

Napangiwi ako. Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi niya. Gagawa? Lunok.

"Alam mo bang gusto kong magkaroon ng madaming anak? Ayoko kasing maramdaman ng mga anak ko ang naramdaman ko noon. Mag-isa lang. Walang ate, kuya o bunsong kapatid. Malungkot sa bahay. Ang kalaro ko lang yung yaya ko noon na pilit na pilit makipaghabulan sa akin ng baril barilan."

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon