Sneak Peek

28.2K 284 16
                                    

"I want sex... I want sex... Damn it!" Frustrated kong sabi.

Ginulo ko ang buhok at bigong naupo sa sahig. Isinandal ko ang likod sa pader ng kuwarto ko at tumingala sa kisame.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Frustrated ako at naiinis sa sarili ko dahil kahit ilang ulit ko mang itanggi, isinisigaw pa rin ng katawan ko ang bagay na iyon.

Bakit ko hinahanap hanap iyon? Bakit ako nahilig sa pakikipagtalik gayong hindi naman ako ganito?

Naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko. Oh god, what's wrong with me? I badly want to touch myself but I know that won't satisfy me. I need someone to do it with me.

Someone... Someone...

"Ugh god! I can't take it anymore!"

Frustrated na tumayo ako at nakatsinelas lang na lumabas ng bahay ko.

Isang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko sa bahay. Nayakap ko pa ang sarili ngunit hindi niyon naalis ang pagnanasang nararamdaman ko.

Napatingala ako sa bahay ng kapitbahay ko. Bukas pa ang ilaw sa kuwarto niya kaya alam kong gising pa siya.

Lumabas ako sa gate ko at nagtungo sa gate ng bahay niya. Nagdadalawang isip pa ako kung magdo-doorbell ba ako oh hindi.

Anong sasabihin ko pag pinagbuksan niya ako?

"Hey, I'm sexually frustrated. Can you help me?"

Natapik ko ang noo. Syempre hindi ko gagawin iyon. Pero kung hindi ko naman ibibigay ang nais ng katawan ko ay paniguradong sa susunod na araw ay ganito pa rin ako.

Nakagat ko ang kuko ko sa hintuturo at nag-doorbell na lang. Bahala na. I hope he won't judge me.

Nakaramdam ako ng pagkainip nang makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin nagbubukas ang pinto ng gate kaya inip na paulit-ulit kong pinindot ang doorbell hanggang sa magbukas ang gate at lumabas mula roon ang kapit bahay kong tanging itim na jeans lang ang suot. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. God forgive me but I want to feel him inside me again.

"What the he--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi at mabilis na sinunggaban ko siya ng mainit na halik.



____________

Tell me your honest opinion about this story. I won't mind😊 Love lots😘

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now