CHAPTER THREE

21.4K 631 78
                                    

Tapos na ang hiatus ng story na ito. Daily update for this. Sino ang gustong ma-meet si Bathalang Dimakulu?

- H. Mendoza

------------------------

            "Matagal pa ba siya?"

Pakiramdam ni Amber ay malapit na siyang tubuan ng ugat sa tagal nang naghihintay sa taong kailangan niyang makausap. Tumingin siya kay Jet at cool na cool lang itong nakatayo at nakasandal sa pader habang panay ang selfie sa cellphone nito.

"Hoy, Jehoshaphat ilang dekada pa ba tayong maghihintay dito?"

Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. Inis nitong pinatay ang cellphone at ibinulsa.

"Talagang, Jehoshaphat? Talagang real name? Naghahamon ka ba ng suntakan, Ambrosia?" Alam niyang napikon si Jet sa sinabi niya. Alam na alam niyang ayaw nitong babanggitin ang totoong pangalan. Kung puwede nga lang daw itong magpa-binyag uli, ginawa na para mabago lang ang given name nito.

Inirapan niya ang lalaki. "Gantihan? Ambrosia?" Si Jet lang kasi at si Xavi ang nakakaalam ng real name niya.

"Nauna ka kaya." Dumukot ng sigarilyo sa bulsa si Jet. Nagsindi tapos ay bumuga. "Hihintayin natin kung i-entertain tayo ni Venci. Sabi ko nga sa iyo, may toyo 'yun. Ikaw lang ang nagpupumilit na makaharap siya. Minsan sasabihin noon okay tapos kapag kinatok ang ulo, biglang ayaw nang makipag-usap kahit kanino." Muling humithit si Jet sa sigarilyo. "Maghihintay pa rin ba tayo?"

Dinama niya ang makapal na libro na nasa bag niya.

"Malay mo naman magbago ang isip. Maghintay pa tayo," ngumiwi siya sa kaibigan at pasalampak na naupo sa kahoy na naroon sa garden ng bahay ni Venci.

Napabuga ng hangin si Jet.

"Sino ang mag-aakala na sa yaman ng pamilya ni Venci, magiging ganyan siya?" Naiiling pa ito.

"Bakit? Ano ba si Venci?" Kinuha niya ang libro sa bag at binuklat-buklat. May ilang chapters pa kasi siyang hindi nababasa doon.

"Ganyan. Lumuwag ang turnilyo. Weirdo. Hindi maintindihan. Matalino ang taong iyan pero sa sobrang talino, ganyan na ang nangyari."

"I don't think he is crazy. Misunderstood puwede pa. Alam mo naman ang mundo natin ngayon. Kapag hindi ka sumabay sa uso, sa akala nilang normal, kakaiba ka na. Pagtatawanan ka na. Iisipin na nasisiraan na ng bait. Hindi nila alam, you are just being you. Iyon ang mundo mo." Napahinga ng malalim si Amber. "Walang taong baliw. Nasa judgment lang iyon ng mga taong nakakasalamuha at mga hindi marunong umintindi."

Nakita niyang parang nagugulat na tumingin sa kanya si Jet habang nanatiling nakapasak ang sigarilyo sa bibig tapos ay biglang iniluwa dahil napaso na. Hindi napansin na ubos na pala iyon.

"Saan mo dinala si Amber?" Seryosong tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano? Pinagsasasabi mo?"

"Saan mo dinala ang kaibigan ko? Masamang espiritu, lisanin mo ang katawang ito! Layas!" Ipinatong pa ni Jet ang kamay sa ulo niya na agad niyang pinalis.

            "Gago, hindi ako sinasapian. Kung may sasapian sa ating dalawa ikaw iyon."

            Lakas ng tawa ni Jet.

            "Parang grabe ang epekto sa iyo ng librong iyan at talagang kumakapit ka kay Venci na mabibigyan ka niya ng pag-asa na malaman kung totoong nag-i-exist ang Bathala na iyan." Umupo sa tabi niya si Jet at nakibasa sa libro.

            Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa sketch ni Bathalang Dimakulu.

            "Look at those eyes. They are like looking into my soul. Telling something that's beyond my imagination. The perfect face." Napabuga siya ng hangin. "Ang guwapo 'di ba?"

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon