CHAPTER THIRTY-NINE

15.2K 519 64
                                    


            Siniguro ni Amber na naroon ang lahat ng gamit niya sa bag. Ayaw niyang mag-iwan ng kahit na anong gamit dito. Hanggang ngayon, dama pa rin niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Napapapikit pa siya at pilit na inaalis sa kanyang isip ang nangyaring pagkakahuli sa kanila ni Mrs. Acosta.

            Nakakahiya ka, Ambrosia! Nakakahiya ka. Ano na lang ang iisipin ng nanay ni Hunter? Napakadali mong bumibigay sa anak niya.

            Gusto na niyang pagalitan ang sarili dahil sa naiisip. Alam naman niya na kapag kay Hunter, talagang marupok siya pero sa nangyari talaga, wala na yata siyang mukha na ihaharap pa sa matanda.

            Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto at sumilip para masiguro na walang ibang tao doon. Nang makita na walang tao, dahan-dahan siyang lumabas at walang ingay niyang isinara ang pinto ng pinto ng silid.

            "Aalis ka?"

            Napahinto siya sa ginagawa at napabuga ng hangin tapos ay nakangiwing humarap kay Hunter.

            Nakaligo na nga ito. Nakabihis na. Nakapamulsa ang dalawang kamay na nagtatanong ang tingin sa kanya.

            Hindi naman na niya magawang itago pa ang dalawang bag kaya napipilitan na humarap dito.

            "Aaalis na lang ako. Wala na talaga akong mukha na ihaharap sa nanay mo. Nakakahiya iyon."

            Tumiim ang bagang ni Hunter at kinuha ang bag niya at pabalibag na inihagis sa kanyang silid.

            "Hunter, ano ba? Pabayaan mon a lang muna akong umalis. Sasabay na lang ako kay Bowie pabalik ng Maynila." Pakiusap niya dito.

            "Sasabay ka kay Bowie? Paano kung agawin ka 'nun sa akin? Hindi. Hindi ka aalis dito. Haharap tayong dalawa kay mama," hinawakan nito ng mahigpit ang braso niya at naglakad paalis doon.

            Hindi niya magawang bumitiw sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki kahit panay ang palag niya. Naglalakad ito patungo dining. Lalo ng tinatambol ng kaba ang dibdib ni Amber. Pilit siyang kumakawala kay Hunter na lalo lang humihigpit ang hawak sa braso niya.

            Naririnig niyang nag-uusap si Bowie at Mrs. Acosta. Nagtatawanan pa nga. Hihimatayin na yata siya sa hiya.

            "'Ma." Tawag ni Hunter sa nanay niya.

            Parehong napatingin sa kanila ang dalawa at damang-dama ni Amber ang pag-iinit ng mukha niya. Hindi niya magawang tumingin sa matanda.

            "Good morning. Did you have a good sleep, iho?" Nakangiting tanong ng matanda.

            "Yeah. The best sleep I had for years." Bumaling sa kanya si Hunter. "Sit." Utos nito sa kanya at humila ng upuan at pilit siyang pinaupo tapos ay naupo sa tabi niya.

            Nanginginig na yata ang buong katawan ni Hunter. Napatingin siya kay Bowie at halata ang pinipigil nitong pagngiti habang ngumunguya ng tinapay.

            "Kumain ka na, iha. Bowie said you like your coffee with cream and sugar?" Sabi pa ni Mrs. Acosta sa kanya at nagsalin ng kape sa puswelong nasa harap niya.

            Gusto na niyang umiyak. Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya.

            "Did you think about it? Did you decide?" Tanong pa ni Mrs. Acosta kay Amber.

            Napalunok siyang tumingin dito at nakangiti lang ito sa kanya. Kabadong-kabado at nagpapasaklolong tumingin kay Bowie pero nagkibit lang ito ng balikat at itinuon ang pansin sa pagkain.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon