CHAPTER EIGHT

18K 628 51
                                    


Simangot na simangot ang mukha ni Amber habang patulak siyang pinapapasok ni Hagway sa kubo ni Bathalang Dimakulu. Inis pa nga niyang tinabig ang kamay nito dahil nakahawak pa sa braso niya para lang sapilitan siyang papasukin. Hindi pa nga siya nakakalayo ay tatlong lalaking taga-tribo ang humarang sa kanyang dadaanan. Kung makatakas man siya, marami pa ring mga taga-tribo ang nag-aabang sa kanya. At lahat ng mga iyon ay may mga hawak na sibat.

"Kumawala ang inyong birhen, Bathala." Sabi ni Hagway at itinulak siya papunta sa papag ng lalaking tinatakasan niya.

"Iwan mo na kami."

Pakiramdam ni Amber ay nanunuot sa buto niya ang lamig ng boses ng lalaki. Ni Bathala. Namumuo ang luha niya sa sobrang galit. Pakiramdam niya kasi ay naloko siya. Naisip niyang ang tanga-tanga niya kung bakit niya naisipang hanapin pa ang lalaking ito. Sinisisi talaga niya ang sarili niyang kung bakit hindi siya nakinig kina Jet at Xavi. Nai-imagine na niya ang mukha ng dalawang kaibigan kapag nalaman itong sinapit niya. Sigurado siyang hindi maaawa ang mga iyon. Katakot-takot na paninisi pa ang gagawin ng mga iyon.

Ibang-iba ang personalidad ng lalaking minahal niya sa drawing kaysa sa lalaking narito sa kanyang harapan. Sa isip niya ay binuo niya ang isang lalaking matipuno, gentleman, masarap magmahal bukod pa sa pagiging guwapo. Pero kabaligtaran iyon lahat ng katangian ng lalaking nasa kanyang harapan. Kitang-kita niya sa itsura nito ang pagiging manyakis, mayabang, at tingin niya hindi marunong magmahal.

"Anong gagawin mo sa akin? Pipilitin mo ako? You're going to rape me?" Tuluyan nang napaiyak si Amber. Nawala na lahat ng paghanga na nararamdaman niya para sa lalaki.

Napailing lang ang Bathala at nahiga sa papag.

"Just strip naked and sleep beside me. Don't think of running away again. They won't be kind to you the next time," walang anuman na sabi nito.

Lalong lumakas ang pagngalngal ni Amber. Wala na talaga siyang magagawa. Hindi niya akalain na sa kabila ng napakaguwapong mukha ng Bathalang kulang na lang ay sambahin niya, isang masamang tao ang nagtatago doon. Rapist pa pala.

"Napakasama mo. Ginagamit mo ang pagiging Bathala mo dito para siguro matikman mo ang lahat ng mga babae. Manyakis ka. Rapist ka. Sinasamantala mo ang pagiging mangmang ng mga tao dito. Sigurado ako, hindi ka talaga taga-dito. Nagpapanggap ka lang. Niloloko mo sila. You are playing God here." Galit na galit talaga siya dito.

"Say whatever you want to say. Just remove your damn clothes and get over here." Matigas na rin ang tono ng lalaki.

Alam ni Amber na wala na rin naman siyang magagawa kaya kahit labag sa kalooban ay tinanggal niya ang mga pinatayong dahon sa katawan niya. Wala siyang tigil ng pagpahid ng mga luha. Sanay naman siya sa ganito. Ilang beses na rin naman siyang nag-model ng hubad sa mga painting sessions ni Xavi. Pero ibang kaso ito. Pinaghubad siya kasi may gagawing masama sa kanya.

"Demonyo ka. Nagsisisi talaga ako at na-love at first sight pa ako sa drawing mo. Nagsisisi talaga ako na nag-effort pa talaga ako na hanapin ka." Sa kabilabh ng mga hikbi ay sabi niya.

"Lumapit ka dito!" Parang kulog ang lakas ng boses ng lalaki kaya napapitlag siya. Pati ang mukha nito ay nag-iba na. Nakakatakot na sobrang seryoso.

Kahit labag sa loob ay napilitan siyang lumapit dito at naupo sa dulo ng kama.

Narinig niyang napahinga ng malalim ang lalaki.

"I am trying to save you here." Naging malumanay na ang boses ng lalaki.

"Save? Anong save ang sinasabi mo? Gagahasin mo nga ako." Iyak talaga siya ng iyak.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon