"Akala ko ba sa city hospital tayo pupunta? Bakit hacienda 'tong pupuntahan natin?"Nakasilip sa labas si Amber at tinitingnan ang malawak na lupain na dinadaanan nila. Sa dulo ay tinutumbok ang isang napakalaking bahay. Hindi niya pansin si Bowie na sobrang nakadikit na rin sa kanya habang nakikitingin din sa bintana.
"Courtesy call muna sa Hermana Mayor ng town. Tayo na lang ang pupunta. 'Yung isang batch ang nauna na sa city hospital. You know, she is my aunt. Cousin ng mom ko. But hindi naman kami masyadong close. I've met her twice or thrice kasi nga madalas ako sa ibang bansa. But I know that she is okay. Matulungin talaga sa mga tao. I've heard that his eldest son died because of an accident." sagot ni Bowie sa kanya. "Nagulat nga ako nang banggitin ni Dr. Melendres na dito tayo pupunta. I don't know if she still could recognize me. It's been years since we last saw each other."
Napatingin siya dito at umusog.
"Masyado ka nang madikit. Wala sa usapan natin 'yan. Friends lang tayo 'di ba?" Sita niya dito.
Natawa si Bowie at napakamot ng ulo. "Napadikit lang naman. Hindi naman sinasadya. Tinitingnan ko lang ang view sa labas." Umusog na ito palayo sa kanya.
Mas maganda sa malapitan ang bahay na tinutumbok nila. Literal na hacienda ang itsura. Parang mga bahay na yari sa Spain na malalaki at halatang ginastusan ng malaki. Bahay na sa magazine at sa mga lumang libro lang niya nakikita. 'Yung mga bahay sa binabasa niyang mga old books na pinamumugaran ng mga multo. Pero iba ang bahay na ito. Parang punong-puno iyon ng buhay. Siguro ay dahil sa choice of color ng nakatira at choice of design.
"Laki 'no?" Komento pa ni Bowie habang papasok sila sa garahe.
Ang lawak ng garahe. Kahit sampung kotse ay kakasya doon sa tingin niya. Sa isang parte ay may courtyard na puwedeng pagpahingahan. Maganda ang pagkaka-design. Sa isang parte ay mayroong swimming pool na puwedeng mag-relax. Napangiti siya. Ang ganda ng disenyo ng parte na iyon. Bumagay ang mga halaman at puno na naka-disenyo sa paligid ng swimming pool. Parang gusto nga niyang tumalon sa pool kapag nakababa na siya dito sa sasakyan.
"Ang ganda," sagot niya kay Bowie habang pinagpipiyesta ang mata niya sa kagandahan ng paligid. Ngayon na lang uli siya nakaramdam ng konting saya magmula ng bumaba siya ng buhok. Nakakahalina kasi ang lugar. Nakakawala ng problema.
"Maarte ang Auntie ko na iyon. This place reflects of her personality."
Nakikita ni Amber na nagre-ready ang mga kasama nila. Nang huminto ang sasakyan at nag-uunahan na makababa sa coaster.
"Tara na," sabi ni Bowie at nauna na itong bumaba. Sumunod naman siya at inalalayan siya nito kaya natatawa siya.
"What?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
Umiling siya na natatawa pa rin. Naglalakad na sila papasok sa loob ng bahay at patuloy na nakaalalay sa kanya ang lalaki.
"Huwag mo akong ituring na prinsesa. Hindi bagay sa akin. Rockstar ako," natatawang sabi niya dito. Hindi kasi siya sanay na inaalalayan siya ng lalaki. Alam naman niyang hindi nananamantala si Bowie. Talaga lang na inaalalayan siya nito dahil may mga steps papasok sa bahay.
"Kahit Rockstar ka, you're still a woman. And you still deserve to be taken care of," sagot nito sa kanya.
"Hayop ka mambola, Bowie. Ilang babae na ang napasagot mo sa mga style mo na ganyan?" Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa makapasok sila sa loob.
"Ikaw pa lang kung saka-sakali." Buong-buo ang kumpiyansang sagot nito.
Sasagot pa sana siya sa sinabi ng lalaki pero napahinto siya sa bukana ng pinto nang makita ang kausap ni Dra. Melendres. Pakiramdam ni Amber ay hindi niya maihakbang ang mga paa niya nang makilala niya ang matandang naroon na kausap ng doctor. Grabe ang kabog ng dibdib niya sa kaba.
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomanceNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...