CHAPTER FORTY-ONE

14.4K 587 119
                                    

"It's not the pain. It's who it came from." - Drishti Bablani

——-
"What are your plans now?"

Nag-angat ng ulo si Amber at tumingin sa daddy niya. Kanina pa siya tamilmil lang na kumakain sa hapag kasabay ang mommy at daddy niya. Masasarap ang mga nakahain na mga pagkain pero wala siyang gana kainin ang kahit isa sa mga iyon. Tanging isang loaf bread lang ang nasa plato niya at hindi pa niya magawang kainin. Iba kasi ang hinahanap ng bibig niya na kainin. Gusto niya ng itlog na maalat at mani ngayong umaga pero sigurado siyang magtataka ang magulang niya kung papangas siya ng unusual na pagkain sa almusal.

"Plans for what, dad?" Pilit niyang pinasigla ang sarili at tumusok ng hotdog at inilagay sa plato niya.

"About you. About your life. I thought magiging maayos ka na dahil nagkaroon ka ng maayos na trabaho. That family that you worked for are good. Kilala ang mga Acosta at hindi basta-bastang pamilya. Why did you resign?" Seryosong tanong ng daddy niya.

Hindi siya kumibo at itinuon ang sarili sa pagkain.

"Pagbalik mo dito, ganyan ka na. Walang kibo. Hindi ka naglalabas sa kuwarto mo. Hindi mo nga hinaharap ang mga kaibigan mo. Kahit si Xavi. Nag-aalala na sa iyo 'yung tao."

"Pagod lang ako, dad." Sinubukan niyang isubo ang piraso ng tinapay pero parang masusuka na siya kaya binitiwan niya iyon.

"It's been what? Two weeks? What happened to you there?" Iba na ang tono ng daddy niya.

Binitiwan niya ang hawak na kutsara at tinidor.

"Nothing happened, dad. I said, I am just tired. Kailangan ba laging may dahilan kung bakit ako ganito? I don't know. I don't want to work there anymore. That's it." Matigas na sagot niya.

"So, ganyan ka na naman? Bum ka na naman? Wala ka na namang trabaho? Ano ba talaga ang ginagawa mo sa buhay mo, Ambrosia?" Nagtaas na ng boses ang daddy niya.

"Wala akong ginagawa sa buhay ko, dad. Kasalanan ko ba kung failure ako sa paningin mo? I am always the failure person. Sa lahat na lang, failed ako. Sa iyo, sa ibang tao. Ano ba ang dapat kong gawin para lang maging proud ka sa akin?" Tuluyan nang nahulog ang mga luha niya.

"I wanted to be perfect for you, dad. Sa inyo ni mommy. Pero kasalanan ko ba kung hindi ko talaga gusto ang kursong pinakuha ninyo sa akin? I tried my best to be good. I tried to follow whatever you wanted but look where it got me?"

Hindi sumagot ang daddy niya. Nakatingin lang ang mommy niya sa kanya.

"I am sorry if you see me as a failure. I am sorry kung hindi 'nyo ako maipagmalaki." Wala sa loob na hinawakan niya ang kanyang tiyan at lalo siyang napaiyak. Lalo na siguro siyang itatakwil ng mga magulang kapag nalaman pa ang kalagayan niya. Buntis siya pero hindi siya mapapanagutan ng ama ng anak niya.

"We just wanted to see you to be okay, iha." Sabi ng mommy niya. "Wala kaming hinangad na hindi maganda para sa iyo, sa inyo ng kuya mo. Gusto namin na kapag nawala kami you are both stable and you are doing good."

"I am trying, mom. Hindi lang siguro sa paraang gusto 'nyo." Napayuko siya. "I am really sorry if I didn't meet your expectations. I am sorry kung hindi ako katulad ni kuya." Napasubsob siya sa mga palad niya at doon humagulgol.

Sa totoo lang, hindi naman niya iniiyakan ito. Sanay na siya na ganoon ang tingin ng kanyang magulang sa kanya. Mas iniiyakan talaga niya na pagkatapos ng dalawang linggo, wala talagang Hunter na nagpakita sa kanya. Walang Hunter na nagparamdama sa kanya. Umasa siya na pagkatapos ng ilang araw, babalik si Hunter at hihingi ng sorry sa kanya. At siya na, na isang dakilang marupok ay handang patawarin ang lalaki.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon