CHAPTER FORTY-NINE

16.4K 630 208
                                    

"Anything is possible when you have the right people there to support you." - Unknown

            Tanging ang mahihinang pag-iyak lang ni Amber ang maririnig sa loob ng silid kung saan natutulog ang anak nila ni Hunter. Hindi na nga niya napansin na lumabas ang mommy niya ng silid. Siguro pati ito ay na-shock sa nalaman. Hindi ganito ang inaasahan niyang eksena para malaman ng lahat ang tungkol sa pagkatao ni Arrow.

            Walang imik si Hunter sa tabi niya. Tingin niya ay dina-digest nito ang nalaman at panay lang buga nito ng hangin tapos ay napayuko at napailing-iling. Tapos ay mahina itong sumisinghot. Humihikbi.

            "Why you didn't tell me?" Nakayukong tanong ni Hunter. Basag na basag ang boses nito.

            "Pumili ka noon. Hindi ako. Hindi kami ang pinili mo." Patuloy siya sa pag-iyak.

            "If you told me, hindi ako aalis."

            Lalong napaiyak si Amber.

            "Hanggang kailan mo ipaparamdam sa akin na hindi ako importante sa iyo? Kung nalaman mo na buntis ako noon hindi ka aalis? Puwede bang hindi ka na lang umalis dahil sa akin? Dahil hindi mo ako kayang iwan?"

            Mahinang napamura si Hunter at umiling. "I am sorry."

            Pinahid niya ang mga luha at suminghot. "You are sorry but still you hurt me. Tapos ngayon, ano? Magagalit ka kasi hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa anak ko? Karapatan ko iyon. Katulad ng karapatan mong pag-iwan sa akin."

            "Amber, I was building the tribe for their better place."

            "Sila binuo mo pero ako? Winasak mo ako. 'Tangina, Hunter. Durog na durog ako noon. Pakiramdam ko ako na ang pinakawalang kuwentang tao sa mundo dahil hindi ka man lang nagdalawang-isip na iwan ako. Bakit? Dahil ba akala mo maghihintay ako habang buhay sa iyo?" Umiling siya. "Sa umpisa pa lang, talo na ako. Ako ang naghanap sa iyo. Isiniksik ko ang sarili ko sa iyo but still, I am not enough."

            "Hindi totoo 'yan."

            Pinahid niya ang mga luhang nagsabog sa mukha niya.

            "It's over. I moved on. Tanggap ko na hindi ako bagay sa mundo mo. Tanggap ko na may mas importante sa iyo bukod sa akin. Tanggap ko na hindi mo ako minahal. It's just the sex that binds us. And this time, tanggap ko naman na kaya ka lang nandito ay dahil sa anak ko at hindi dahil sa akin."

            Nag-angat ng mukha si Hunter at tumingin sa kanya.

            "I was longing for you for two years. I tried to find you in New York but I couldn't find you. The people I was hoping that would help me to look for you, didn't help me at all. Kasalanan ko din kasi. I know I fucked up, Amber but this time, I will try to make things right. Please give me chance." Hinawakan ni Hunter ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. "Please, forgive me."

            Napalunok lang siya at marahang binawi ang kamay niya tapos ay tumingin sa natutulog na anak.

            "I'll let you be a father to Arrow. My parents were right he needs his father. Pero hanggang doon na lang tayo." Napasandal siya sa kinauupuan at napabuga ng hangin.

            Nakita niya ang kalituhan sa mukha ng lalaki.

            "What do you mean? Amber, we could be a family to him."

            Umiling siya. "Ako ang nanay at ikaw ang tatay ni Arrow. Tama na iyon. But other than that-"

            "What? What the fuck do you mean? Nandito na tayo pareho and we could raise him together as a family." Naniningkit ang mata ni Hunter sa pagkakatingin sa kanya.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon