"Hindi! Hindi ako puwedeng kumalma!"Hindi pansin ni Amber ang sumusunod lang na tingin ni Hunter sa kanya habang palakad-lakad siya sa loob ng kubo nito. Wala din siyang pakielam kahit dinig hanggang sa kabilang tribo ang lakas ng boses niya. Magwawala siya kung gusto niya. Magagalit siya dahil nakakagalit talaga ang nangyayari sa kanya.
Hindi na nagsasalita si Hunter at pailing-iling na lang. Pinapabayaan lang siyang dumakdak doon na parang kasali sa isang declamation.
"Ano ang akala nila? They can play with us? Damn it! Hindi ba nila naiisip ito? I am god damn fertile then what will happen if I got pregnant?" Nanlalaki pa ang butas ng ilong ni Amber dahil sa sobrang galit. Daig pa niya si Incredible Hulk sa galit na nararamdaman niya. Gustong-gusto niyang i-Hulk Smash si Apo Ingkang dahil sa ginawa nito.
"I told you, you are in a tribe that has different culture." Mahinang sagot ni Hunter.
"Kahit na! Ang dami mo ng babae. Kahit nga si Apo Ingkang puwede mong isali sa mga Mean Girls mo. Okay na nga ako na may nangyari sa atin. Fine! Wala namang masisisi doon. Hindi natin parehong ginusto. But this," itinuro niya ang tiyan. "Paano kung lumobo ito?"
Napakamot ng ulo ang lalaki at napabuga ng hangin.
"What do you want to do?" Para sa sarili lang iyon sinabi ni Hunter.
"I don't know! Shit!' Inis na sinipa ni Amber ang nasa harapang camping bag at pabagsak na naupo sa papag.
"Will you relax? You are overthinking. Nurse ka 'di ba? I mean, hindi naman sa lahat ng pagkakataon nabubuo agad iyan even if you're telling me that you are fertile."
Ang sama ng tingin niya sa lalaki na parang kalmado lang na nakaupo sa papag.
"Relax? Anong relax ang sinasabi mo? Hindi ako mare-relax. Ito 'yan. Pakinggan mo. Una, nag-sex tayo. Ano ang susunod? Mabubuo. Kapag nabuo, buntis. Lalaki ang tiyan ko. Uuwi ako sa amin na itsurang nakalulon ako ng lobo. Anong ipapaliwanag ko sa pamilya ko? Sasabihin ko sa daddy ko na: Kasi daddy, nakainom ako ng pinakuluang dahon ng jutes kaya hindi ko alam na may ahas na pumasok sa akin? My dad is a well known OB kaya hindi ako puwedeng magtago doon." Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi iyon.
Napapailing si Hunter na parang hindi maintindihan ang sinasabi niya.
"Hindi pa 'yan tapos. Sino ang sasabihin kong tatay? Sasabihin ko, 'yung Bathala sa bundok? Sasabihin ko kasi napagkamalan akong babaylan? Baliw na ang tingin sa akin, baka kapag nalaman pa nila ang nangyari sa akin dito, tuluyan na akong itapon sa mental."
"Will you-"
"At pagkatapos ano?" Putol niya sa sasabihin ng lalaki. "Anong mangyayari sa akin saka sa anak ko kung nasa mental ako? Ilalabas ko siya at mag-iisa siya sa mundo. Wala siyang magulang. Lalaki siyang kulang sa aruga. Magiging stubborn, magkakaroon ng anger issues, magiging problema ng society, magiging masamang tao. Iko-condemn sa social media na naturukan ng maling bakuna. Baka ang ending maging addict, mapariwara, mapasama sa masasamang kaibigan, baka maging serial killer pa." Napapikit si Amber at gusto niyang maiyak sa mga naiisip na iyon.
"What the fuck?! Geez! You've got a very creative mind, Amber. Problema lang natin ang ovulation day mo tapos napunta na tayo sa pagiging serial killer ng anak mo?" Hindi makapaniwala si Hunter sa mga naririnig niya.
"Bakit ba? Advance ako mag-isip." Parang batang nagmaktol si Amber. "Anong gagawin natin dito?"
"Hindi ka advance mag-isip. Nag-o-overthink ka. Let's talk about this calmly. Okay? Relax," hinawakan nito ang mga kamay niya at naiiyak na tumingin siya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/191330146-288-k722446.jpg)
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomanceNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...