Halos makaladkad na si Amber sa paghila sa kanya ni Hunter palabas ng silid. Ang higpit ng hawak nito sa kamay niya at ang hawak niyang bp apparatus at stethoscope ay nakaladlad sa sahig."Bitiwan mo nga ako!" Nagpipilit talaga siyang makawala sa pagkakahawak nito pero wala siyang magawa. Ipinasok siya nito sa isang silid at doon lang siya binitawan tapos ay ini-lock nito ang pinto at humarap sa kanya.
"Ano ang problema mo?" Naiinis talaga siya kay Hunter. Umiiral na naman ang pagiging taong-bundok nito.
"Ikaw ang may problema. Bakit ka nakikipaglandian kay Bowie?" Ang dilim-dilim ng mukha nito. Kulang na lang ay may hawak itong sibat at o itak baka kaya na siyang tagain.
"Anong nakikipaglandian? Hindi kami naglalandian ni Bowie. Huwag mo akong itulad sa iyo. Kayo ng ex-syota mo ang naglalandian," umirap siya dito.
"Ex ko si Jean at may dapat kaming pag-usapan. Kayo ni Bowie? Ano kayo ni Bowie?"
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Ganoon? Kapag ex okay lang maglandian? Kami ni Bowie hindi? Teka nga, bakit ka nga ba nakikielam kung ano ang gawin namin ni Bowie? Single siya, single ako. I don't see anything wrong with that," binitiwan niya ang hawak na bp app at padabog na naupo sa kamang naroon.
Lumapit sa kanya si Hunter at napaatras ang katawan niya dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha niya.
"Nothing wrong? Kulang na lang maghubad ka sa harap niya?" Nagliliyab sa galit ang mga mata ni Hunter.
Sinamaan niya ito ng tingin at sinalubong ang tingin nito.
"Hindi ako nakahubad kanina. Saka sanay akong maghubad sa harap ng mga tao. Model ako sa mga nude paintings. Nakita mo 'di ba? Sumali ka sa isang session ng friend ko. You're into photography? Nice. Pero deadma lang ako 'no 'nung nakita mo ako? Parang hindi mo ako kilala. So bakit may problema ngayon sa iyo? Saka sa bundok nga araw-araw tayong nakahubad. Ngayon ka pa ba magpapaka-demure?" Nang-aasar na tinawanan niya ito.
"I don't want you to do that again." Matigas na sabi nito.
Malakas na tumawa si Amber.
"Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa iyo, Bathala." She said that with full of a mocking tone. "Baka nakakalimutan mo, wala ka na sa bundok. Wala ng mga Dasana dito na tatakutin ako na papatayin kung hindi kita susundin. This is the real world, man. I'll do whatever I want." Tumayo siya pero mabilis na pinigilan nito kaya bagsak na naman siya sa kama.
"You don't want to see when I am mad, Amber." Walang kangiti-ngiti sa mukha ni Hunter habang nakatingin sa kanya.
Napalunok siya at bahagyang nakaramdam ng takot dahil sa itsura ni Hunter. Mukha ngang kaya nitong pumatay ng tao ngayon. Pero hindi siya magpapatalo dito.
Malakas niya itong tinabig at tumayo sa kama tapos ay lumayo sa lalaki.
"What? You're going to unleash your animalistic side? Go ahead. Alam ko na naman kung ano ka, Hunter. Nasanay kang dini-Diyos dahil iyon ang ginawa sa iyo ng tribo mo. Nasanay kang nakukuha mo lahat nang hindi ka naghihirap. Nasanay kang hinahabol ka. Nagpakatanga na ako minsan nang hanapin ko ang Bathalang nakita ko sa libro and it just made my life a mess. Hindi na ako papayag na maging ganoon uli ngayon."
Hindi nakasagot si Hunter sa sinabi niya.
"Why did you go back here? This is not your life anymore. Mas masaya ko doon sa bundok. Mas may freedom kang gawin ang lahat ng gusto na walang sasaway sa iyo. You can even fuck a kid there." Parang may kumurot sa dibdib ni Amber nang maalala ang huling nakita niya doon sa bundok. Isang teenage girl ang kasama ni Hunter sa kubo.
![](https://img.wattpad.com/cover/191330146-288-k722446.jpg)
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomanceNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...