Tama ba ang narinig niya?Kuha pa nga ako ng isa para naman mabango pa rin ang bibig ko kapag hinalikan mo ako.
Sigurado si Amber na iyon ang narinig niyang sinabi ni Hunter.
"Anong sabi mo?" Gusto niyang masiguro na iyon nga ang narinig niya.
Nagtatakang tumingin sa kanya ang lalaki.
"Bakit? May sinabi ba ako?" Nagtatanong ang tingin nito sa kanya. Itsurang naguguluhan sa tanong niya. Walang tigil ito sa pagnguya ng mint leaves.
Parang nahiya naman siyang ulitin ang sinabi nito. Baka sabihin masyado siyang asumera. Pero sigurado talaga siyang sabi ni Hunter na gusto nito ay mabango ang bibig kapag hinalikan uli siya.
Yumuko si Amber at napakagat-labi para itago ang gustong sumilay na ngiti. Gusto siyang halikan ulit ni Hunter? Parang bet din naman niya. Naalala kasi niya, kahit sabog siya noon sa pinakuluang mary jane ni Apo Ingkang, ramdam niya ang sarap nitong humalik. Ang lambot ng labi. Napaka-gentle humalik. Feeling nga niya noon, first time niyang mahalikan kahit naman may experience na rin siyang halikan ng opposite sex. Iba kasi ang paraan ng paghalik ni Hunter. Hindi 'yung parang mauubusan. Mabagal. Ninanamnam.
"Do you still want more mint leaves?" Tanong pa nito sa kanya.
Napipilitan siyang ngumiti dito. Marahang pinahid ang mga labi kasi pakiramdam niya ay nararamdaman na naman niya ang labi ni Hunter sa labi niya.
"Ah- s-sige. Magbabaon ako," pumitas siya ng maraming dahon. Mabuti na 'yung handa siya.
"Ako din," pumitas din ito ng maraming dahon.
"B-balik na tayo sa tribo," gustong pagalitan ni Amber ang sarili niya. Bakit ba siya parang natataranta? Naalala lang niya ang halik ng lalaki ay para na siyang hindi mapakali.
"You go ahead. I need to check the area first. Minsan kasi kapag mga ganitong oras may mga naliligaw na illegal loggers dito sa paligid."
Tumango-tango siya at pilit na pilit pa rin ang ngiti. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nangangalog ang tuhod niya sa harap ni Hunter. Pumitas ito ng ilang malalaking dahon mula sa isang puno at tinali-tali tapos ay ipinatong sa dibdib niya at sa pang-ibaba niya. Itinali nito ang mga dahon sa katawan niya para magkaroon siya kahit paano ng saplot. Noon niya na-realize na hubad nga pala siya sa harap nito.
"Since you are going to teach them how to be a decent people, hindi na siguro tama na lagi kang hubad sa harap ko at harap nila."
Alam ni Amber na namumula ang mukha niya dahil ramdam na ramdam niya ang pag-iinit noon kaya pinilit na lang niyang tumawa.
"I-ikaw din naman," iniiwas niya ang tingin na makita si Junjun. Kahit naman ilang beses na niya itong nakita at nakipagkilala na nga sa kanya, hindi pa rin niya makayang tingnan iyon.
Natawa si Hunter at pumitas din ng dahon at ibinalot din sa katawan.
"Comfortable now?" Itsurang nanunukso ang mukha nito.
Tumango na lang siya at napabuga ng hangin. Bakit ba pakiramdam niya ay biglang uminit ang paligid?
Sumeryoso ang mukha ni Hunter at humarap sa kanya. Napalunok siya nang maramdaman na hinawakan nito ang mukha niya at inayos ang mga buhok na tumabing sa kanyang mukha. Marahan pang hinaplos ang pisngi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/191330146-288-k722446.jpg)
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
Storie d'amoreNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...