CHAPTER ONE

51.8K 941 73
                                    

"PEOPLE MAY HATE YOU FOR BEING DIFFERENT AND NOT LIVING BY SOCIETY'S STANDARDS.  BUT DEEP DOWN, THEY WISH THEY HAD THE COURAGE TO DO THE SAME."

"Amber, sa totoo lang malapit ka ng matabunan nitong mga libro mo dito. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakabili ng mga libro? Baka inaanay na ang iba dito."

Tiningnan niya lang ang kaibigang si Xavi na umiikot sa kuwarto niya at iniisa-isa ang mga librong patong-patong sa mesa at sa paligid ng kanyang silid. Inilabas niya sa dalang eco bag ang mga lumang libro na nabili niya sa Recto. Talagang ginalugad pa nila ang kahabaan ng Carriedo para lang makita ang rare bookstore na iyon na nakita niya sa Facebook.

"Iyan na nga lang ang nagpapasaya sa akin sisitahin mo pa. Books make me happy. Reading makes me knowledgeable in some things. Palibhasa ikaw mahilig ka lang manood ng porn," sagot niya dito at sumalampak siya sa kama niya at inisa-isang ininspeksyon ang mga libro. Karamihan sa mga iyon ay hard to find at talagang hindi mabibili kung saan. Lumang-luma na talaga at kailangan ng ibayon pag-iingat para hindi masira.

"Hey, I am an artist and a nude painter to be exact so I need to look for my subjects all the time. And besides, watching porn is normal. Hindi naman dahil nanonood ako ng porn ay malibog na ako. I am watching it to look for the anatomy of the body of those pornstars. You know? I can visualize their boobs, their pussies, those male genitals. And I can paint them correctly," sagot niya sa akin at dumukot ng sigarilyo sa bulsa niya at nagsindi.

Ngumiwi siya sa kaibigan.

"Please remind me paano kita naging kaibigan?" Parang nandidiri siyang lumayo sa lalaki.

Natawa si Xavi. "Kasi ako na lang ang nagtitiyaga diyan sa mga trip mo. May iba ka pang kaibigan? Tingin nila sa iyo ay nababaliw ka na dahil sa pagiging obsessed mo sa mga engkanto."

"I am not being obsessed, okay? I am researching for facts that those creatures do exist. Saan nanggaling ang mga kuwento tungkol sa kanila kung hindi sila totoo? Ano 'yun? Usapang lasing lang? Parang trip na tara imbento tayo ng kuwento at paniwalain natin ang mga tangang tao. Ganoon ba 'yun?" Inirapan niya si Xavi at dinampot ang isang libro na ang nakasulat sa cover ay Mundo ng mga Bathala. Sinipat-sipat ni Amber ang makapal na libro at talagang itsurang pinaglumaan na ito ng panahon.

Naiiling na tumingin sa kanya si Xavi kaya hindi na lang niya pinansin. Matagal na silang magkaibigan ng lalaki. Since grade school ay magkasundo na silang dalawa dahil magkaibigan naman ang kanilang mga magulang. Sobrang magkasundo sila sa lahat ng bagay siguro kasi pareho silang outcast sa pamilya. Tingin sa kanila ng pamilya nila ay mga patapon dahil kaysa sa tumulong sa negosyo ng pamilya ay mas ginusto nila ang maging ganito. Si Xavi ay tapos ng kursong Mechanical Engineering pero mas ginusto nitong maging painter. Alam naman niyang ang magulang lang ng kaibigan ang pumili sa kursong kinuha nito dahil bata pa lang sila, Fine Arts na ang gusto nitong kuhaning kurso. Pamilya ng mga engineers si Xavi kaya alam niyang masama ang loob ng mga magulang ng kaibigan na hindi nito ginamit ang kursong natapos.

Ganoon din naman siya. Kilalang mga doktor ang magulang niya. Her dad is the famous Dr. Ulysses Teodoro who is a well-known fertility doctor in the country. Hindi na niya mabilang ang mga sikat na artista at mayayaman na naging pasyente ng daddy niya. Her mom Dr. Gem Teodoro is also an OB-GYNE. Dalawa silang magkapatid at ang nakakatanda niyang kapatid na si Dr. Alvin Teodoro ay isang anesthesiologist. Siya? She graduated BS Nursing pero two years na siyang graduate ay hindi pa rin siya tumutuntong sa ospital para magtrabaho. She passed the board exam. Certified RN siya pero hindi talaga niya ginamit ang pagiging RN niya. Ayaw niya sa medical field. Mas gusto niyang kunin noon ang kursong AB History pero hindi siya pinayagan ng mga magulang kaya napilitan siyang mag-nursing.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon