Ilang araw nang mainit ang ang ulo ni Hunter magmula nang makita niya ang post na iyon sa Facebook tungkol kay Apo Ingkang.Hindi siya mapakali at talagang iniisip niya kung ano ang nangyari sa tribo kaya gumawa siya ng imbestigasyon.
He called the local barangay that are tasked to help the tribe. Nag-usap na sila noon. Bago siya umalis, siniguro niyang aayusin iyon ni Jacob na hindi mapapabayaan ang tribo. Nagbigay siya ng malaking halaga para sa pagsasaayos ng lugar. Pero sa dami ng nakita niyang mga litrato na parang pinabayaan ang tribo, talagang nag-iinit ang ulo niya.
Noon niya nalaman na ang taong kinausap ni Jacob para sa pag-aalaga ng tribo ay itinakbo lang ang perang ibinigay niya. At dahil nalaman pa ng mga tao na may ganoong klaseng ka-preserve na tribo sa bundok na iyon, ang local na barangay ay bigla iyong ini-open sa mga tao para pagkakitaan. May mga postings siyang nakikita sa Facebook na nakalagay na kasama sa isang trek package ang pag-meet sa mga legit na tribe people. May pa-meet and greet. Karamihan ngayon sa mga umaakyat ng bundok na iyon ay gusto lang makita ang mga Dasana. Ginawa silang entertainment. Ginawa silang katatawanan. Ginawa silang eskperimento. Pinagkakitaan sila ng mga walang pusong mga tao.
Nakipag-coordinate siya sa kung puwedeng tumulong sa kanya para matulungan ang mga Dasana. Hindi maganda ang kanilang kalagayan. Ang tribo na iningatan niya at pinangakuan na po-protektahan ay sinisira ng mga tao.
Nangyari na ang kinatatakutan niya kaya ayaw niyang iwan ang tribo na iyon.
Kaya nagdesisyon siya na pagkahatid niya ngayon pauwi kay Amber sa bahay nito ay didiretso siya ng Zambales para personal na makita ang kalagayan ng mga Dasana.
At hindi niya ma-take ang naabutan niya sa tribo.
Parang karnibal na pinaglalaruan ang mga Dasana. May mga bantay na mga taga-barangay para hindi makapanakit ang mga ito. Naka-cordon ang buong tribo at hindi puwedeng lumabas doon ang mga Dasana. Kung may magwawalang mga Dasana ay agad na sasawayin, itatali at parurusahan. Kahit sila Hagway na matitikas na mga taga-tribo ay hindi makakalaban sa de-baril na mga bantay. May mga taong nanonood sa mga ito kung ano ang ginagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pinagtatawanan dahil mga nakahubo. Pinagtatawanan dahil mang-mang. Pati ang pribadong pagsisiping ng mga Dasana ay hindi pinapalampas.
Galit na galit si Hunter. Gusto niyang pagpapatayin ang lahat ng mga taong narito. Gusto niyang magwala dahil binaboy ng mga taong ito ang tribo na iningatan niya. Wala siyang magawa ngayon.
Pero sinisiguro niya, hindi niya maaring pabayaan ang mga ito. Gagawa siya ng paraan para mailigtas ang mga Dasana.
---------------------
This can't be true.
Amber was sure that she was not pregnant. After what happened in the mountains between her and Hunter, she knew that she can't be pregnant. Kahit pa nga active sila sa sex ng lalaki, sinisiguro niyang hindi siya mabubuntis. She had her monthly period last week. Well, isang araw lang nga iyon but she was sure that she was not delayed. Pero ano 'to? Bakit two lines ang nakikita niya sa pregnancy test kit na hawak niya?
Muli niyang binuksan ang isang pregnancy test kit at muling chineck ang ihi. Two lines pa rin. Isa pa ulit at ganoon pa rin ang resulta.
Nagsusumigaw sa mata niya ang galit na galit na two red lines.
Nurse siya. Alam niya ang menstrual cycle niya. Alam niyang regular siyang nagkakaroon at kahit isang araw lang siyang dinatnan at biglang huminto, she thought that was it. Baka stressed lang siya kaya huminto agad.
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomanceNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...