CHAPTER TWENTY- SEVEN
Mahaba na ang biyahe ng grupo nina Amber pero nanatili lang siyang tahimik na nakaupo sa likuran ng coaster na sinasakyan nila. Pinapabayaan lang niyang nagtatawanan, nagkukuwentuhan ang ibang mga kasamahan niya sa medical mission nila sa Quezon. Napairap siya at napailing ng maalala ang lugar na pupuntahan nila. Quezon pa. Ang alam niya, kilalang pamilya ng fake na bathalang iyon sa probinsiyang pupuntahan. Pero naisip din niya, napakalaki ng Quezon. Imposible naman na buong probinsiya na iyon ay pag-aari ng lalaking isinusumpa niya.
Tumingin siya sa gawi ni Bowie na nakikipag-usap sa pinaka-head ng medical mission na ito. Si Dra. Anne Melendres. Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa at kita niyang talagang nakikinig si Bowie. Seryosong-seryoso.
Ngayon lang niya napansin na guwapo din pala si Bowie. Matangos ang ilong. Maganda ang shape ng lips. Clean cut ang buhok na bagay sa shape ng mukha. Bumagay pa ang well-trimmed na balbas at bigote.
Maganda rin magdala ng damit si Bowie. Kahit simpleng maong at polo lang ang suot nito, pansinin pa rin. Neat kasing tingnan. Hindi lang siguro niya napansin ang mga bagay na iyon noong una niyang nakilala ang lalaki. Talaga kasing ang tingin niya dito noon ay masamang tao. Masyadong isinapuso ang ini-experiment na research at pinanindigan ang pagiging isang durugistang mountain climber.
Nagkagulatan pa nga silang dalawa na magkakasama pala sila sa medical mission. Ito pala ang binabanggit ni Bowie 'nung nag-date sila at isinasama siya sa medical mission sa isang probinsiya.
Nakita niyang tumingin sa gawi niya si Bowie kaya nagbawi siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagtanaw ng mga bundok at bukirin na nadadaanan nila. Wala siya sa mood na makipag-usap kahit kanino dahil ayaw naman niya ang lakad na ito.
"Naiinip ka na ba?"
Pinilit niyang ngumiti kay Bowie. Wala na siyang nagawa ng maupo ito sa tabi niya. Mabango rin ito. Amoy Cool Water.
"Matagal pa ba ang biyahe?" Binuksan niya ang bag niya at kumuha doon ng baon niyang ham and egg sandwich. Pakitang tao na inalok niya ang lalaki pero sa kalooban niya ay pinapanalangin niyang sana tumanggi ito pero hindi dininig ang panalangin niya. Kinuha nito ang kahati ng sandwich niya at nagsimulang kumain.
"One-hour drive pa then makakarating na tayo sa town hospital. Doon tayo sasalubungin ng mga locals na makakasama natin." Kahit puno ang bibig ay sumasagot si Bowie. "Did you make this sandwich? This is so good." Sunod-sunod na kagat ang ginawa nito.
"Ham lang 'yan saka itlog. Saka mayonnaise. Walang espesyal diyan," sagot niya at kumagat na rin sa hawak na sandwich.
"Diyan ka nagkakamali. This is special because you made this. Anything you do is special. Kaya kung akala mo hindi special itong biyahe na ito, hindi bukal sa loob mo ang pagsama sa medical mission, just think about the people that we can help. You are special to them," ngumiti pa si Bowie sa kanya.
Napangiti siya kahit paano sa narinig na sinabi nito. At least, she was special to someone kahit pa nga hindi naman niya masyadong feel si Bowie.
"See? You are smiling. And remember, you are special to me." Nilamukos nito ang foil na pinambalot sa sandwich at inilagay sa bulsa.
"Tigilan mo na ang palipad hangin sa akin, Bowie. Walang effect." Natatawang sagot niya dito.
"So? Okay lang. At least nasabi ko. At alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa iyo. You know iyan dapat ang matutunan ng mga tao. I mean mahirap kasi magkaroon ng regrets. Halimbawa kinimkim ko lang sa dibdib ko ang feelings ko sa iyo. Hindi ko sinabi pero iyon pala, naghihintay ka lang na sabihin ko. Pero nang magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin, it's too late. You already fall for someone else. Sayang ang pagkakataon."
![](https://img.wattpad.com/cover/191330146-288-k722446.jpg)
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomanceNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...