Parang umiikot pa ang ulo ni Hunter nang magmulat siya ng mata. Ramdam niya ang matigas na papag sa kanyang likod. Rinig niya ang maiingay na huni ng mga kuliglig sa labas. Madilim na rin ang paligid.Marahan siyang kumilos at pakiramdam niya ay maduduwal siya. Naalala kasi niya ang nakita niya kanina. Agada just gave birth. He saw everything. The baby coming out, the cord, there was blood. He couldn't believe that, that thing could stretch like that. Tingin niya sa nangyari kanina ay eksena sa isang horror movie.
Napabuga siya ng hangin. Parang hindi yata muna niya kayang makipag-sex kahit kanino ngayon. If Aria was alive and she gave birth to their child, she would experience that? He could see the pain from Agada's face.
Sanay siyang makakita ng dugo. Hindi pa siya nakakapatay ng tao pero nagagawa naman niyang makasakit. At hindi lang basta sakit na magaang, 'yung mga tipong malulumpo, o mauubusan ng dugo. Mga ganoong klase ng pananakit. Sanay siyang kumatay ng mga wild animals. Pero ang nakita niya kanina, parang walang maitutumbas doon. Napabuga siya ng hangin kasi para siyang hindi makahinga.
Pinilit niyang maupo sa papag. Pakiramdam niya ay hinang-hina pa siya. Nahihilo pa talaga siya.
"Thank God, the brave Bathala is already awake." The tone of the voice was full of mockery.
Kumunot ang noo niya at hinanap kung sino ang nagsalita. Nakita niya sa isang sulok si Amber na nakatali ang mga kamay at paa at ang sama ng tingin sa kanya.
"W-what-" hindi niya maituloy ang sasabihin at nagtataka siya kung bakit nakatali ito. "What are you doing here? Why are you like that?"
Lalong sumama ang tingin nito sa kanya.
"Nagtanong ka pa? Kasalanan mo kaya 'to. Kung hindi ka hinimatay-himatay doon hindi ako pagbibintangan ng mga Dasana na pinatay na naman kita. Kasalanan ko bang kapag nakakita ka ng lumalabas na bata hinihimatay ka na?" Inirapan pa siya nito. "Yabang-yabang. Lakas ng loob magsabi na Bathala. They are offering themselves to me. I know how to use my finger at tumitirik ang mata nila kapag ginagawa ko 'yun." Amber said that in a mocking tone. Ginagaya ang paraan niya ng pagsasalita.
Napahinga siya ng malalim at napalunok. Pakiramdam niya ay babaligtad na naman ang sikmura niya nang maalala ang nakita kanina.
"I'm sorry," lumapit siya dito at kinalagan ang babae.
Hindi kumibo si Amber at hinilot-hilot lang ang mga kamay at paa na nakatali kanina.
"So, alam mo na? Iyon nangyayari kapag nakakabuntis ka. Ganoon ang hirap ng manganak. Kaya sana sa susunod, isipin mong maige kung dapat bang ipasok ang buhay mong ahas sa kung saan-saan para wala kang makitang lumalabas na bata." Parang matandang komadrona na nagse-sermon si Amber.
Hindi niya pinansin ang sinasabi nito. Ang isip niya ay naroon pa rin sa nasaksihan niya kanina.
"Does it really stretch like that? That big? A baby could really come out?" Hindi pa rin talaga siya makapaniwala.
Kita niyang pinipigil ni Amber ang mapatawa.
"Yeah. And you know, sometimes, walong bata ang lumalabas. Hindi naman sabay-sabay. Paisa-isa lang pero imagine that, eight kids inside a tummy? Wow." Exaggerated na exaggerated ang pagkakasabi noon ni Amber.
Sinamaan niya ito ng tingin. "You're just fucking with me."
"Hoy, hindi, ah. Totoo iyon. Kapag naka-access ka sa internet i-search mo. Octo-Mom. Eight kids," nanlalaki pa ang mata nito sa kanya at ipinakita ang walong bilang ng mga daliri.
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomanceNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...