CHAPTER FORTY-EIGHT

14.8K 609 171
                                    

"Truth is like a surgery. It hurts but it cures. Lie is like a pain killer. It gives instant relief but has side effects forever." - Unknown

            Inihahanda ni Hunter ang lahat ng gagamitin niya sa photo shoot. Sinabihan na siya ng kanyang staff na mukhang mahihirapan silang kunin ang batang nagustuhan niya para maging model niya pero hindi puwedeng hindi iyon ang kanyang makuha. Sinabihan na siya ng agency na maghanap siya ng iba pero ayaw niya ng iba. Kahit siya na mismo ang magdagdag para sa talent fee ng batang iyon, basta iyon lang ang gusto niyang maging model para sa photo shoot na ito.

            Walang kasiguraduhan kung darating ito ngayong araw pero umaasa siya. One hundred thousand is not a bad offer para sa two hours na photo shoot. Kahit sino ay hindi tatanggi sa ganoong offer. Kahit na anong terms ang hingin sa kanya ay ibibigay niya para lang makuha ang batang iyon.

            May kumatok sa pinto ng office niya at si Nins ang pumasok. Nakangiti. Mukhang good news ang ibabalita sa kanya.

            "Sir, dumating sila."

            Napangiti siya. "Ihanda 'nyo na ang studio."

            "Pero sabi ng lola kailangan mabilisan lang kasi hindi daw alam ng nanay na dinala dito 'yung bata." Paalala nito.

            "It's fine. This will be quick. Lahat ng props ihanda 'nyo na. Don't forget the mashed avocado," sagot niya. Grocery and Supermarket ang imo-model ng bata.

            Binitbit niya ang camera at ibang mga gamit at dumiretso sa studio. Naabutan niyang pini-prep ang batang model niya at napangiti siya nang makita ito. Mas cute sa personal. Cute ngingiti. Nakakatuwa ang kulot at makapal na buhok na nagsabog sa mukha nito. Perfect for this shoot. Alam na alam na niya kung babagay talaga ang model para sa shoot niya. Nakasuot lang ito ng diaper at inilagay sa isang crate na napapaligiran ng mga prutas at gulay. Napakunot ang noo niya ng makita ang isang pamilyar na mukha na naroon na tumutulong para sa pag-aayos sa bata. Mommy ito ni Amber. Anong ginagawa dito?

            "Mrs. Teodoro?" Paniniguro niya.

            Humarap ito sa kanya at nakakunot ang noon. Naalala niyang hind inga pala siya nito kilala. Hindi naman kasi siya pumapasok sa loob ng bahay nila Amber sa tuwing ihahatid at susunduin niya noon ang babae. Hindi siya nakapagpakilala ng personal. Pero ano ang ginagawa ng matanda dito.

            "You know me?" Taka nito.

            Ano nga ba ang sasabihin niya? "Ah, nakita ko lang ho sa file ng bata na Teodoro ang apelyido. Apo 'nyo ho?"

            Tumango ito sa kanya at ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa bata.

            May apo si Mrs. Teodoro? Anak siguro ito ng kuya ni Amber. Hindi naman niya nabalitaang nagbuntis si Amber kaya imposibleng anak nito ang batang ito.

            "Start na tayo para makauwi na kayo agad," iyon na lang ang nasabi niya.

            Inumpisahan na niya ang pagti-take ng shots. So far, maayos naman. Hindi nagta-tantrums ang bata. Lagi lang itong gumagapang, tumatayo at maglalakad papunta sa kanya. Pero patuloy lang siya sa pagkuha ng magagandang shots. In between ay chini-check niya ang mga iyon at napapangiti siya. Mukhang maaga silang matatapos dito dahil nakikisama ang bata at hindi nagloloko.

            "Nins, paki-ready ang mashed avocado. Make sure that he is going to play with it. Mas okay kung kakainin para mas maganda sa prints," utos niya sa intern.

            Dagli naman itong sumunod at ibinigay ang isang colored plastic sa bowl at pinabayaan nilang laruin iyon. Mas madumi, mas maganda ang rehistro sa camera. Playful ang dating. Sige siya sa pagkuha ng bumukas ang pinto ng studio niya.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon