"You think this is a good idea?"Hindi maihakbang ni Hunter palabas ngkotse ang mga paa niya kahit na nga nauna nang lumabas mula doon ang kapatid. Nakatingin lang siya sa nasa harapan nilang bahay at ang dibdib niya ay punong-puno ng kaba.
"Just get out. Come on," inilahad pa ni Bullet ang mga kamay para lang hilahin siya palabas ng kotse.
"B-baka kasi biglang atakihin si mama. Kung sa ibang araw na lang kaya?" Muli siyang bumalik sa loob ng kotse at akmang ikakabit uli ang seatbelt.
Napakamot ng ulo si Bullet at napailing.
"Get out. Now." Punong-puno ng authority ang boses ni Bullet na nakatayo sa gilid niya. Parang kaya siya nitong bitbitin at kaladkarin palabas ng kotse.
Napatingin siya sa kapatid at seryosong-seryoso ang mukha niya.
"Alright, geez. Nakakatakot." Naiiling at natatawang na sagot niya at lumabas na doon. Pakiramdam niya ay si Bullet pa ang panganay sa kanilang dalawa kahit matanda siya dito ng isang taon.
Iginala niya ang tingin sa paligid. Their ancestral house didn't change a bit. Naroon pa rin ang mga halaman ng mama niya sa garden. The flowers were blooming at lalong magandang tingnan. Nadagdagan ang mga sasakyan sa garahe na alam niyang kay Bullet. Bata pa lang mahilig na sa sasakyan ang kapatid niya. Siya, isa lang ang gamit niya noon at nakita niyang naroon pa rin na nakaparada ang BMW niya na regalo ng daddy niya noong nag-eighteen years old siya.
"I had it restored. Lagi kong pinapalinis. Ewan ko ba. Kahit alam kong inilibing ka na namin, deep inside something was telling me that you're alive and you will come home again." Komento ni Bullet. Nakita marahil na tinitingnan niya ang dating kotse niya.
"Thank you." Iyon na lang ang nasabi niya at napabuga ng hangin. Lalo yatang kumakabog ang dibdib niya na papasok sila sa bahay.
"I want you to meet my wife first." Humarap sa kanya si Bullet. "I met her because of you so don't make things hard for her, okay?" Nagbabanta ang tingin nito.
"What? Bakit naman ako magiging hard? Bakit ako?" Natatawang sagot niya.
"She's afraid of you."
"Ah. Yeah. Because she pretended to be Aria." Nagkibit siya ng balikat.
"Wala lang siyang choice noon kaya niya iyon nagawa. And that was history. Just don't say anything kapag nakaharap mo siya." Pagtatanggol nito sa asawa.
Kunwari ay zipper na isinara niya ang kanyang bibig.
Parang pati si Bullet ay kinakabahan para sa kanya. Bumuga pa ito ng hangin at parang kumuha ng lakas ng loob bago binuksan ang pinto. Sinenyasan siya nitong mag-stay muna sa labas at hindi makita ng mga taong nasa loob ng bahay.
"Babe," narinig niyang sabi nito. Pinigil niya ang mapatawa. Parang hindi siya sanay sa kapatid niya sa mga ganitong chessy stuff. Babaero ito at parang wala sa itsurang magseseryoso sa babae.
"Hi! Gabing-gabi na. Akala ko sa susunod na araw ka pa uuwi?" Boses babae na ang narinig niyang nagsalita. Ito marahil ang asawa ni Bullet.
"Something came up. Where is Aria?" Hinahanap ng kapatid niya ang anak. Napangiti siya nang mapakla at wala sa loob na hinawakan ang dibdib. Hinahanap niya ang sakit dahil sa pagkawala ng dating asawa pero kataka-takang hindi na niya maramdaman ang pamilyar na pakiramdam na lagi niyang nararamdaman sa tuwing maalala ang pagkawala ng babae. Parang ngayon, Aria was just a part of his memory. He still has feelings for her, but he knows that in just a matter of time, he needs to let go of it.
BINABASA MO ANG
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)
RomansaNaniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang...