CHAPTER SEVEN

17.7K 634 77
                                    




            Ungol ba ang naririnig ni Amber?

            Hindi. Humm? Mga huni?

            Pinilit niyang gumalaw pero hindi niya maikilos ang katawan niya. Noon niya napansin na nakatali siya sa isang puno gamit ang makakapal na ugat ng halaman.

            Nataranta si Amber. Bakit siya nakatali? Tumingin siya sa paligid at ang daming mga taga-tribo na nasa harap niya. Mga nagha-humm. Umuusal ng kung anong salita na hindi niya maintindihan. Sa harap niya ay may isang malaking bonfire. May mga kawayan na nakatusok.

            Tuluyang napaiyak si Amber. Gagawin na yata siyang lechon. Hindi ba nabuhay si Bathala? Pero sigurado siya na hindi mamamatay ang lalaking iyon. Ilang beses niyang chineck. Paulit-ulit. Siniguro na wala siyang mami-miss na gamutin sa mga sugat sa katawan ng lalaki. Buhay na buhay ng iwan niya.

            Nakita niya si Hagway na nakatayo malapit sa apoy. Inaayos ang mga nakatusok na kawayan. Halatang naghahanda para sa kung anong iiihaw doon.

            "Hagway! Walanghiya ka! Matapos kong gamutin ang bathala 'nyo gagawin 'nyo pa akong inihaw na liempo!" Galit na galit talaga siya sa lalaki. Pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakatali sa kanya.

            Tumingin lang ito sa kanya tapos ay hindi rin siya pinansin. Tiningnan niya ang mga miyembro ng tribo at pawang mga nakatingin ang mga ito sa kanya. Mga babae, bata. Mga mababagsik na lalaking may mga hawak na sibat.

            Lord, patawad na po talaga. Promise kung makakaligtas ako dito, hindi na talaga ako mai-inlove sa drawing.

            Paulit-ulit iyong binibigkas ni Amber. Nagulat siya ng biglang may ibinagsak na patay na hayop sa harapan niya. Wild pig yata iyon. Kulay itim. Nanlaki ang mata niya ng parang walang anuman na sinaksak iyon sa tiyan ng isang taga-tribo at hiniwa. Binulatlat ang tiyan at inilabas ang lahat ng mga laman-loob.

            Pakiramdam niya ay babaligtad ang sikmura niya. Kahit naman sanay siyang makakita ng parang mga kinakatay na tao sa OR noon, iba pa rin ito kasi para lang talagang naghihiwa ng kung ano ang lalaki. Nagkalat ang mga intestines ng baboy. Sinala pa ang dugo na dumadaloy sa patay na hayop.

            Naisip niya kung ganoon din ba ang gagawin sa kanya? Sayang naman ang pagpapaderma niya. Ang pag-inom ng mga supplements. Ang lingguhang body scrub. Once a month massage sa spa. Tapos kakatayin lang din siya na parang baboy? Hindi ganito ang pinangarap niyang maging ending ng buhay niya.

            "A-ano ba ang kasalanan ko? Ginawa ko naman ang mga sinasabi 'nyo." Umiiyak na sabi ni Amber.

            Lalo siyang kinabahan nang lumapit sa kanya ang lalaki dala ang isang lalagyan na laman ang dugo ng baboy. Napapikit siya ng ibuhos ang dugo sa kanyang ulo. Siguro ay orasyon ito bago siya gawing panghain sa piging. Lalo lang siyang napahagulgol ng iyak ng maramdaman niyang hiniwa nito ang suot niyang t-shirt. Tanging bra at panty na lang ang suot niya sa harap ng mga taga-tribo. Kita niya sa mukha ng mga ito ang pagkamangha dahil sa nakikitang suot niya. Parang ngayon pa lang sila nakakita ng underwear. Napasigaw na siya ng tuluyang hiwain ng lalaki ang suot niyang bra tapos ay isinunod ang panty niya.

            Ngayon lang talaga siya nakaranas ng ganitong klaseng humiliation sa buong buhay niya. Kakatayin na nga lang siya, ipinahiya pa siya ng sobra.

            Sabay-sabay nag-humm ang mga taga-tribo. May ilang sumisigaw pa at parang nagdadasal sa langit. Tatlong babae ang tumayo sa harap niya. Ang isa ay may hawak na parang palanggana, ang isa ay mga pinatuyong dahon at ang isa ay parang mga pinunit na tela.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon