CHAPTER TWENTY-FIVE

17.3K 650 120
                                    


            Alam ni Hunter na may tao pa sa loob ng opisina ng ACO Logistics. Sa tagal na niyang nawala, magli-limang taon na kaya hindi na rin niya halos makilala ang opisina. Maraming pagbabago doon but he was impressed. Bakas na bakas sa pagbabago ng kapaligiran ang personality ni Bullet. Lahat nang nakikita niya dito ay alam niyang kagagawan ng kapatid niya.

            And he never felt proud of his brother. Who would have thought that the happy go lucky guy, the prankster would be a CEO one day. Siya lang naman ang naniniwala na kaya iyong gawin ni Bullet. He believed that his brother will be a fine leader one day and here it is. His dad never gave his brother a chance. Siya ang sa simula pa lang pagkabata ay talagang mino-molde nang sumunod sa yapak ng ama.

            Dire-diretso siyang pumasok sa loob at tinungo ang elevator nang harangin siya ng guard.

            "Sir, tapos na po ang business hours. Hindi na po kayo puwedeng pumasok." Sita ng guard sa kanya. Kita niya na naguguluhan ito habang nakatitig sa mukha niya na para siyang kinikilala tapos ay nakita niyang parang tinakasan ng dugo ang mukha.

            Ngumiti siya dito. "I know Bullet is still upstairs. I just need to talk to him."

            Umiling ito at halatang-halata na kinakabahan na nakatingin sa kanya.

"S-sir, kung nagmumulto po kayo, mabait po ako kay Sir Bullet. Mabait din po ako kay Madam Frances. Sir, huwag 'nyo po akong patayin sa takot. Marami po akong anak. Marami din po akong asawa." Damang-dama niya ang takot sa boses ng guard. Parang maiiyak pa nga.

Gusto niyang humalakhak ng malakas. At napagkamalan pa siyang multo. Sino ba ang guard na ito?

"Can you please call Bullet? Tell him Hunter is here."

Nanginginig ang kamay ng guard na nag-dial sa telepono at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Natatawa lang siyang lumilinga ng tingin at nakita niya ang isang malaking frame na naroon ang isang litrato ng malawak nilang lupain sa Quezon. Naalala niya, kuha niya ang litratong iyon noong nag-uumpisa pa lang siyang mag-aral ng photography. Gustong-gusto niyang subject ang mga halaman o magandang tanawin. Lumapit siya at marahan iyong hinaplos. Sa gilid noon ay naroon ang litrato niya at may nakasulat na:

IN LOVING MEMORY OF HORACIO NICANOR "HUNTER" ACOSTA.

Hindi niya malaman kung ano ang kanyang mararamdaman. Nakatitig lang siya sa litrato niya at iniisip niya kung tama ba na bumalik pa talaga siya dito. Maayos na sila. Naka-move on na, na wala siya. Ang kapatid niya, alam niyang maayos na rin same with his mom. Baka magulo lang kung babalik siya.

Napahinga siya ng malalim at ngumiti ng mapakla. Siguro nga maling-mali ito na bumalik siya.

Lumakad siya at naglakad na palabas. Pero nakarinig siya nang mabibilis na yabag parang tumatakbo.

"Hunter!"

Lumingon siya at nakita niya si Bullet na humihingal na nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala na naroon siya. Alam niyang marami itong gustong sabihin pero walang salita itong masabi. Nakatingin lang ito sa kanya at hindi niya maintindihan kung natutuwa ba ito na makita siya.

Alanganin siyang ngumiti dito at pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung paano magsisimulang magpaliwanag.

"B-bullet, let me explain. What happened-" bago pa siya maituloy ang sasabihin niya ay mabilis na tumakbo papunta sa kanya si Bullet at mahigpit na yumakap sa kanya.

"God damn you. God damn you." Ang higpit ng yakap ng kapatid niya. Parang ayaw na siyang pakawalan. Naramdaman niyang umaalog ang balikat nito. Humahagulgol ng iyak si Bullet.

BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon