CHAPTER 1

3.1K 51 1
                                    

Kasalukuyang nakaupo ako ngayon dito sa tabing dagat habang ninanamnam ang presko at nakaka ginhawa sa pakiramdam na hangin, masaya kong pinagmamasdan ang mga litrato ng nakaraan na kung saan ang litrato namin ni Zoren. Nakakatuwa lang pagmasdan ang mga hitsura naming nakangiti habang siya'y nakaakbay saakin ngunit sa likod ng matamis na ngiti ay may kalakip na kalungkutan at bahid na pait ng nakaraan.

Wala na akong balita sakaniya marahil masaya na siya ngayon sakaniyang panibagong buhay nawa'y gabayan siya palagi ng diyos at ilayo sa kapahamakan. Nalulungkot at nakakaramdam ako ng guilty kapag sumasagi saaking isipan ang nakakatakot na nangyari sakaniya, ako pala ang dahilan ng pagkabangga niya at hindi ko alam kung paano ko papatawarin ang aking sarili.

Habang sa ganoong posisyon ay may biglang yumakap mula saaking likuran sabay halik saaking batok dahilan ng aking pagkabigla. "ginulat mo naman ako baka mamatay ako ng maaga niyan kung palagi kang sumusulpot sa tabi ko"biro ko dahilan para matawa ito

"Hindi naman kita hahayaang mawala agad sa buhay ko mahal na mahal kita at sabay tayong mamamatay pangako"malambing na wika nito at muli akong hinalikan sa batok.

Siya si Harley ang aking kasintahan matagal nading panahon noong una kaming magkakilala ang pagkakaalam ko ay kolehiyo ako noon palagi niya akong pinapasaya at iniibsan ang aking lungkot dahil sa pagkawalay ko kay Zoren siguro'y hindi talaga kami para sa isat-isa at masiyado pa kaming bata noong panahong iyon. Marahil din na iba siguro ang nakatadhana para saakin. Masasabi kong si Harley ay magkasintulad sila ni Zoren iyon ngalang mas matangos ng unti ang ilong ni Harley at mas gwapo itong pagmasdan ngunit ganon din naman si Zoren siguro bata pa kami noon kaya malaki ang agwat ni Harley at Zoren.

Maalaga at maalalahanin si Harley katulad din ni Zoren isa siyang mabait at mapagpakumbabang bata hindi ko akalaing marami silang pagkakatulad ng dati kong kasintahan pero tapos na iyon hindi ko na dapat binabalikan ang mga ala-alang muntikang gibain ang pader ng pag-asa ngunit aaminin ko sa tuwing pipikit ang aking mga mata palagi ko pading iniisip ang buhay ni Zoren.

"Wala kabang pasok diba pang-umaga ka ngayon?"tanong saakin ni Harley habang nakayakap padin saaking likuran.

"Mamaya, pang gabi ako ikaw dapat ang tatanungin ko bakit hindi ka pa pumasok sa trabaho mo anong oras na"tugon ko naman habang pinipisil ko ang kaniyang palad na naka akap saaking tiyan.

"Siyempre nandito ang mahal ko mamaya nalang ako papasok gusto kong makasama ng matagal ang pinakamamahal ko"hirit nito dahilan para matawa ako.

"Loko ka hindi naman kailangang palagi tayong magkadikit"sabi ko sakaniya dahilan para bumitiw ito sa pagkakayakap at tumayo

"Mahuli siya ang magluluto ng hapunan!"sabi nito sabay takbo habang ako ay naiwan at napakunot nalang ako ng noo.

"teka! ang daya mo naman hindi ata ako nainform!"sigaw ko ngunit nakalayo na ito nangiti nalang ako at muling tinignan ang litrato ni Zoren noong bata pa lamang siya.

Agad akong tumayo at pumakawala ng isang buntong hininga habang nakatingin sa kalangitan at agad akong naglakad pauwi ng bahay. Inaasahan kong madami pang pagsubok na aking haharapin ngunit handa akong harapin ito at lagpasan.

Pagpasok ko palang saaming tarangkahan ay sumalubong agad saakin si Harley na naka hawak ng tasa at umiinom ito ng kape habang naka sandal sa beranda.

"Ang tagal mo naman hon kanina pa kita inaantay tara pasok na tayo nag-aantay na yung mga anak mo"nakangisi nitong wika sabay kindat habang ako ay nakunot nalang ang noo sa sinabi niya.

"anong anak ka diyan wala akong matres! kaya huwag kang umasa na may anak tayo"natatawa kong wika habang papasok ako sa aming terrace.

"biro lang naman hon, practice lang malay mo magkaroon tayo ng dalawa o apat teka gawin nalang nating isang dosena"sabi nito sabay kindat saakin kaya agad ko itong kinitusan sa ulo.

"ginawa mo naman akong baboy niyan! tara nanga pumasok na tayo sa loob"natatawa kong wika siya naman ay naiwan sa labas na naka nguso at tila nag-papaawa.

narinig ko pa itong nagsalita ngunit hinayaan ko nalang nagpapalambing lang ang mokong. Pagdating ko sa kusina ay bumungad saakin ang napakadaming pagkain na nakahanda hindi ko tuloy maiwasang mamangha dahil sa linuto niya. Agad akong sumilip sa labas kung nandoon siya "Hon! para saakin ba ito? wow ang sarap naman"pagtawag ko sakaniya at tumingin ito saakin habang naka upo siya sa terrace "Mas masarap ako"tanging sagot niya sabay ngiti dahilan para irapan ko ito siya naman ay natawa nalang.

Uupo na sana ako at kakain nang maisip kong puntahan ito at ayain dahil siya ang nagluto kaya agad akong lumabas at inaya itong kumain. "tara kain tayo ikaw nagluto non kaya hindi pwedeng hindi ka kakain sa niluto mo"panlalambing ko sakaniya sabay halik sakaniyan pinge dahilan para mangisi ito. "Sige nanga ito talagang asawa ko hindi mapakali kung hindi ako kasama"hirit nito sabay akbay saakin at agad kaming nagtungo sa kusina para kumain.

Sinubuan niya ako at ganun din ako, hindi ko akalain na siya pala ang kokompleto sa mala jigsaw puzzle na puso ko. Sana ay tumibay pa ang aming samahan at hindi na muling mangyari ang mapait kong nakaraan.

"Ilove you hon"nakangiti kong wika

ngumiti naman ito "Mahal na mahal din kita hon" at gumawad ito ng matamis na ngiti na nagbibigay saya at tamis saaking kaibuturan.

itutuloy....

Book cover made by aloeverafa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Book cover made by aloeverafa

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon