CHAPTER 26
It's time to say goodbye book2
Rewriting our Destiny
@kaminari_amanashi
iMarjaynariPatuloy sa pagbagsak ang butil ng tubig ng ulan sa labas habang pinagmamasdan ko ito at malalim ang iniisip, tila may kung anong takot at lungkot na namumuo saaking kaibuturan dahil sa mga nagdaang araw. Pag katapos ng malagim na gabing iyon ay isinugod daw ako sa ospital at doon inalis nila ang balang bumaon saaking likod, ginamot din nila ang pagdurugo ng aking pwet dahil sa ginawa nilang toture saakin. Hanggang ngayon ay nangangamba parin ako na baka dumating ulit ang araw na nanakawin ulit ako ni James ngunit sa tingin ko ay hindi na muli iyon mangyayari dahil pinatawan na siya ng pagkabulok sa kulungan bilang kabayaran sakaniyang kasalanan.
Patuloy ako sa pagmamasid dito sa bintana ng aking silid at doon sumagi saaking isipan si Glyde kumusta na kaya ang bayaning batang iyon matapos akong iligtas at buhayin ang mga bata nitong kapatid? Marahil, maayos na ang kalagayan nila ngayon sa bahay ampunan na kung saan binibigyan sila ng sapat na nutrisyon at damit para sakanilang pang araw-araw.
"Anak kanina ka pa diyan, bumaba ka na may bisita ka"boses ni mama saaking likuran kaya napa lingon ako dito at naka sandal ito sa hamba ng pintuan.
Binigyan ko ito ng matamis na ngiti saka tumayo saaking kama at lumabas ng aking silid. "Sino po ma? malakas ang buhos ng ulan a, bakit naisipan nilang bumisita ngayon?"tanong ko ngunit nag kibit balikat lang si mama.
Pagbaba ko ay nakita ko ang aking mga ka trabaho habang naka hawak ng malalaking pagbaonan na naglalaman ng ibat-ibang pagkain. Sinalubong nila ako ng matamis na ngiti at sa hindi ko inaasahan ay dumalaw din ang isang sikat na artistang kaibigan ko na si Roxy kaya halos maluha ako noong makita ko sila.
"Beshy I miss you, We are here because we wanted to surprise you"malambing na wika ni Roxy sabay yakap saakin ng mahigpit. "Tama ba yung English ko?" dagdag pa nito kaya nginitian ko ito
"Okay narin sana nag tagalog ka nalang."tugon ko naman na ikinatawa niya, hanggang sa halos lahat ay naki group hug na din saamin.
"Malapit ka nang maka recover Ken makaka balik ka na din sa Ospital may makaka chika nanaman ako ulit sa wakas."masayang wika ni Lovely dahilan para ngitian ko siya.
"Ooops! may nakakalimutan kayo"boses mula sa labas at doon pumasok si Zoren at sumunod sa likod nito sina Glyde at ang mga kapatid nito kaya naman halos tumalon ang aking puso noong makita ko muli ang batang iyon. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap at gayon din si Zoren at nakuha pa akong halikan sa labi.
"Kumusta na kayo?"tanong ko habang hindi maitago ang matinding galak saaking puso.
"Heto ayos naman kuya masaya kami kasi nakakapag aral na kami ng mga kapatid ko."balita ni Glyde saakin na siyang ikinalundag ng aking puso sa nabalitaan.
"Mabuti iyan, tara sa kusina at pag saluhan natin ang mga hinanda niyong kakainin para saating lahat, nako Oo hindi pa kayo nag sabi."natatawa kong wika at doon nagtungo na kami saaming kusina upang doon ipag patuloy ang aming kasiyahan.
Pinag saluhan namin ang dala nilang Pansit, Salad at iba pang masasarap na pagkain. Tila ako'y nakaramdam ng saya noong makita ko silang muli pagkatapos ng malalagim na pangyayari saaking buhay. "Beshy kaylan ka babalik sa trabaho mo?"tanong ni Roxy sabay subo ng kaniyang kinakaing suman.
"Siguro, nextweek na medyo nakaka recover naman na ako kaya babalik na ako sa work soon."sagot ko naman at tumango-tango lang ito. Patuloy kami sa pag kukwentuhan hanggang sa natapos na ang aming salo-salo dito sa bahay.
"Paano iyan, aalis na kami aantayin ka namin sa Ospital Ken at excited na kaming maka sama ka muli."naka ngiting pagpapaalam ng mga kasama ko.
"Oo, pangako at excited na din ako."
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay