CHAPTER 7

551 34 1
                                    

Agad din itong tumayo at nag-ayos ng sarili. "Sige sige at aalis nadin ako tutal malapit naman yung parking lot halika hatid na kita sa loob"pag-aya nito ngunit umiling lang ako.

"Huwag na, hindi na tayo close ibig kong sabihin stranghero na ako sa paningin mo, pero kung kaylangan mo ng makaka usap at may problema ka nandito lang ako"sabi ko sakaniya sabay ngiti at agad akong tumalikod at naglakad paalis sakaniya. Hindi ko mapigilang lumuha sa oras na iyon na para bang tinutusok ang aking puso, pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking braso saka pilit akong ngumiti bago ako pumasok sa loob ng mall.

CHAPTER 7

9:30 P.M Kasalukuyang naglalakad ako dito sa Hallway ng Hospital at hindi maiwasang mapatingin sa mga pasiyenteng natutulog bawat ward. Minsan sumasagi saaking isipan na sana ako nalang ang nagka-amnesia para ako naman sana ang hindi nakakaramdam ng hindi maintindihang sakit mula saaking kaibuturan. Hindi ko alam kung isa na itong sumpa na mawawala nalang kapag namatay na ako.

Pagdating ko sa tapat ng information desk ay bahagya akong napatingin sa labas. Madilim nadin at unti nalang ang mga sasakiyang dumadaan sa kalsada. "Ken, may nagbigay sayo ng isang kumpol ng bulaklak sabi ng delivery boy para sayo daw kaya pinalagay ko nalang sa ilalim ng desk, huwag kang mag-alala hindi iyon malalanta kasi open space naman yung pinaglagyan ko at nahahanginan."wika ng aking co-nurse at saka ito umakyat papuntang second floor.

Siguro binigay nanaman ito ni Harley, kaya naman agad akong nagtungo sa information desk at doon nakita ko ang isang kumpol ng rosas na kulay pula. Ibayong kilig ang aking naramdam kaya agad akong nag text sakaniya.
_________________________________________
SMS
TO: Harley
FROM: Ken

"Salamat sa bulaklak, pero bakit pula? dapat pink kasi ang pink para lang sa nililigawan, at ang pula naman ay para na sa totoong magkasintahan at mag-asawa. Pero ok na yun na appreciate ko ilove you"

SENT..
_________________________________________

Hindi ko na inantay ang reply nito dahil sinabi niya kanina saakin na may operation sila ngayon tungkol sa droga. "Mr. Manzon! tara mag dinner tayo diyan sa malapit na fastfood tutal tapos na ang shift natin ano game?"pag-aya saakin ni joward.

"Huwag na doon nalang ako sa bahay magluluto kasi ako ng favorite food ko matagal nadin kasing hindi ako nakakakain ng lutong bahay puro fastfood na kasi alam mo naman busy tayo"tugon ko naman dahilan para malungkot ito.

"Sige"maikling sabi nito saka tumalikod at naglakad paalis.

"Wait lang hindi kana mabiro, saan ba?"tanong ko at humarap ito saka ngumiti.

KFC.

"Tara kain na tayo!"masiglang wika nito dahilan para matawa ako sakaniya.

"Sigurado kabang mauubos natin lahat ito?"tanong ko at natawa ito.

"Oo naman"tugon naman nito at doon nagsimula na kaming kumain.

Kung papansinin tila may gusto saakin si Joward hindi niya lang ma sabi-sabi dahil siguro nahihiya ito. Hindi naman maipagkakaila dahil gwapo din si Joward, sweet at masiyahin. Ang pinaka gusto ko nga sakaniya ay mapagbigay pero malas siya sa pag-ibig dahil ilang beses na siyang nanligaw ng mga babae pero hindi sila nagtatagal. Naiintindihan ko naman siya siguro dahil sa depress na walang sumagot sakaniya binaling niya ang pagmamahal niya sa mga kapwa niya lalaki. Pero kung titignan mo si Joward gwapo talaga siya baka hindi ko pa alam may abs ito dahil sa kakisigan nito kahit nakadamit, pero mapapansin mo naman dahil fitted at karaniwan nitong suot na damit.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon