CHAPTER 31

382 21 0
                                    

Chapter 31
iMarjayNari
@Kaminari_amanashi
Rewriting our Destiny
It's time to say goodbye book 2

A/N: Una sa lahat ako ay nagpapasalamat sa mga taga basa ko ng librong ito, sabi ko nga hindi ako yung tipong author na sobrang galing pero kaya ko namang ibigay ang nais niyo sumaya lang kayo. Aaminin kong marami akong pagkukulang sa pagsusulat at minsan sumasablay ito sa panlasa ng mga mambabasa kaya naman humihingi ako ng kapatawaran para doon. Ngunit, nagpapasalamat ako sainyong lahat dahil sa mga critics ninyo at sigurado ako na magagamit ko ang mga iyon sa mga susunod ko pang libro at sa puntong iyon mas ma hubog ko pa ang paggawa ng piksyon na storya. Sa nalalabing pahina ng aking kuwento ay sana may nakuha kayong aral at inspirasyon sa bawat karakter asahan niyo pang magsusulat ako hanggang sa mahanap ko ang aking pinaka masterpiece, muli ito si iMarjayNari o mas kilalang kaminari amanashi. Maraming salamat.



Kasalukuyan akong nakatayo dito sa harap ng malaking salamin habang pinagmamasdan ang aking kasuotan. Pulang hawaian polo attire at tenernohan ng asul na hawaian shorts. Naka side ang aking buhok at may naka patong na mga bulaklak bilang corona dahil sa pakulo ni Roxy. Napangiti ako ng matamis sa harap ng salamat at pumakawala ng isang buntong hininga bago nilisan ang aming kwarto ni Zoren.

Paglabas ko palang ay sinalubong na ako ni Roxy na nag aantay sa sala at noong nakita ako ay tumayo ito at napa takip ng kaniyang bibig. "Omay! ang pogi mo sa suot mo Ken! Ang ganda! at talaga namang pinanindigan niyo ang 'Beach themed wedding'"sabi nito sabay yakap saakin.

"Salamat, kinakakabahan ako parang gusto kong umatras."biro ko nang batukan ako.

"Aray! Siyempre joke lang huwag OA! Sa totoo lang masaya ako ngayong araw na ito dahil ito ang pinaka special day ko."sabi ko sabay hawak sa magkabilang kamay ni Roxy. Ngumiti ito at parang naluluha kaya naman nagpunas ito saka ako niyakap ng mahigpit.

"Ikaw na talaga Ken, masaya ako para sa'yo beshy sana maging maayos ang pagsasama niyo ni papa Zoren. Alam mo ba na ang swerte natin, dati isa ka lang taga hanga at ngayon look! ikakasal kana sa hinahangaan mo dati."wika nito na ikinangiti ko

"Tara na? baka nag aantay na saatin yung isang groom at naiinip na halikan ka, galingan mo mamaya sa honeymoon niyo huwag kang lalampa lampa uminom ka na ba ng Enervon? o kaya naman yung Booster para pang malakasan mamaya, alam mo na kung ano na ang mangyayari bagbagan na to!."natatawang sabi nito kaya naman kinitusan ko ito sa ulo.

Lumabas na kami ng bahay ngunit wala pa naman yung sasakyan kaya napatingin ako kay Roxy, "Hala eh! bakit wala pa yung sasakyan?"tanong nito sabay linga sa paligid. Ilang saglit pa ay biglang nag ring ang cellphone ni Roxy kaya naman nakibasa ako sa text message. "Anong sabi?"tanong ko dahil agad niya din itong pinatay.

"Flat daw yung kotse ko sabi ng driver kung pwede lang lakad nalang daw tayo"naiinis nitong wika. "Paano na'to masisira ang outfit ko!"pag iinarte nito.

"Paano naman kasi parang ikaw naman yung ikakasal! naka white gown ka pa na parang sasali sa santacruzan! Ikaw pa naman ang nagsabing mag hawaian attire!"sigaw ko at hindi maiwasan matawa dahil sa kasuotan nito.

Ilang minuto pa ay may sasakyan na paparating kaya naman nabuhayan ako ng loob at pinara ito. "Wait frenny! At talagang gusto mong sumakay diyan? Remember kasal ito hindi burol."nag aalangang wika nito noong naka harap kami sa isang sasakyan ng patay.

Napatingin ako sakanya."No choice Roxy sasakay ako, ito ang special day ko babay!"sagot ko sabay sakay sa front seat kasama ang driver, noong mapatingin ako kay Roxy ay nakatayo parin at animo dehado. "Oh? sasakay ka hindi?"tanong ko nang mapairap ito at mag inarte nanaman.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon