CHAPTER 3

718 33 0
                                    

MARTES, day off ko ngayon kaya naman napag pasyahan kong magligpit ng mga gamit dito sa tinutoluyan naming bahay ni Harley, masyado na kasing madaming gamit dito sa bahay kaya kailangan ko na itong bawasan at ibenta sa junk shop kung meron.

Habang abala ako sa pagkalkal ng kagamitan sa durabox ay bumungad saakin ang isang naka rolyong oil canvass na papel, kaya agad ko itong kinuha para makita. Pagbukas ko ay nakita ko ang painted na larawan ng dalawang binata habang nakangiti ng matamis. Yung isa ay nakaakbay sa isang binata. At ang larawan na iyon ay ang larawan namin ni Zoren noong namasyal kami sa korea.

Tila namuo ang kaba at takot saaking kaibuturan noong makita ko itong larawan namin. Tila isang bahid na kailanman hindi na mabubura saaking isipan ang mga nangyari saamin noon. Mahirap takasan, mahirap kalimutan ang mga pangako namin sa isat-isa.

Agad akong tumayo at umupo saaming kama at dito muling pinagmasdan ang naturang larawan. Pumakawala ako ng buntong hininga at doon bumalik ang ala-alang nangyari sa larawang ito.

flashback

kasalukuyang naglilibot kami dito sa Jeju Island Park nang makita naminang isang matandang nagpipintor sa gilid malapit sa Fountain kaya naisipan kong magpaguhit ng imahe namin ni Zoren bilang remembrance.

"Zoren imbes na kumuha tayo ng litrato gamit ang ating cellphone bakit hindi natin subukan mag pa paint para mas maging memorable"sohestiyon ko habang naglalakad kami dito sa parke.

"uhhm, anong mas memorable?"tanong nito habang nakaakbay saakin.

"magpaguhit tayo ng larawan natin tulad ng painting, may nakita kasi akong matandang pintor doon oh! samay fountain"turo ko doon malapit sa fountain habang abala ang matanda sa pag paint ng larawan ng isang turista.

"Sige subukan natin"sabi nito sabay lakad papunta sa nag pipintura.

tinanong namin sa matanda kung pwede kaming mag paguhit ng aming larawan ni  Zoren at pumayag naman ito. Inantay pa naming matapos ang kaniyang ginagawa kaya umupo muna kami sa tabi hanggang sa tinawag na kami. Umakbay saakin si Zoren at kapwa kaming nakangiti, hindi ko maiwasang ma excite dahil gusto ko nang makita ang aming larawa. Ito ang pinaka memorable sa lahat ng litrato dahil bukod sa punong puno ito ng ala-ala ay ginawa din ito ng may pagmamahal, dahil ang pagpinta sa larawan ng isang tao ay hindi lang basta-basta kailangan mong ilarawan ng buo at dapat kuhang-kuha mo ang lahat ng detalye.

sinabihan pa kami ng matanda na ang painting ay higit na mas maganda kesa sa digital na larawan, dahil punong puno kasi ito ng ala-ala at pinaghirapan ito. Hindi tulad ng cellphone na isang pindot lang ay nandoon na saiyong gallery.

pagkatapos kaming iguhit at pinuturahan ay ibinigay nanga ang larawan namin ni Zoren. Sa una ay kinabahan ako ng sobra dahil baka pangit ako sa larawan, ngunit noong nakita nanamin ito ay halos wala akong masabi sa aming larawan. Kuhang-kuha ang detalye  ng aming katawan pati kurba ng aming tenga ay nakuha.

Inabutan namin ng bayad ang matanda ngunit hindi niya ito tinanggap. Ipagtagal nalang daw naming ang aming relasyon kaya nangiti nalang kami ni Zoren ng lubos. Ngunit hindi pumayag si Zoren kaya naman binilhan niya ito ng dalawang styro ng pancit at fried chicken at isang litro ng pepsi.

Walang nagawa ang matanda kundi tanggapin ito dahil sa kakulitan namin ni Zoren. Nagpasalamat ito at gayundin kami at sinabi niya ang kaniyang pangalan at siya si lolo ash hwang.

end of flashback from It's time to say good bye book 1 (chapter happy together)

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako dito sa harap ng larawan at hindi mapigilang matawa saaking hitsura noon. Habang sa ganoong posisyon ay biglang may kumatok saaming silid at marahil si Harley ito kaya agad akong tumayo upang pagbuksan ito.\

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon