Muli akong napa tingin kay Harley habang akay akay ko siya. "Sorry Harley, sorry talaga please patawarin mo ako."umiiyak kong wika at doon naisip kong pasanin ito para salubungin nalang namin ang ambulansya sa daan. Kailangan kong umakto dahil buhay na ni Harley ang naka salalay dito.
May kabigatan si Harley ngunit pilit kong binibilisan ang pag lakad hanggang sa dumating na nga ang ambulansya.
"Kami na ang bahala dito ken, kumalma ka guys yung stretcher."sabi ni Lovely at doon linagay nila si Harley sa stretcher. Agad akong sumakay at doon mabilis naming tinahak ang daan papunta sa ospital. Sana makaligtas si Harley hindi ko alam ang gagawin ko kung mapapa hamak siya dahil lang saakin.
CHAPTER 18: It's time to say goodbye book2
Ilang oras na din akong nag aantay dito sa labas ng I.C.U habang naka upo ako dito sa pahabang upuan at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang mga nurse at doktor sana naging maayos ang pag salba nila sa buhay ni Harley. Ibayong takot at galit ang namayani saaking pagkatao dahil sa nangyari kay Harley hindi ko alam ang gagawin ko kung kukunin siya ng diyos saakin.
Habang iniisip ko ang mga bagay na 'yon ay hindi ko maiwasang maluha at sisihin ang aking sarili kaya napa takip nalang ako ng muka gamit ang aking mga palad. "Huwag niyo po siyang kunin saakin maawa po kayo. Kung totoong makapangyarihan kayo ipakita niyo ngayon saakin ang milagro niyo"
Ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pinto na gawa sa salamin kaya naman napa tingin ako dito at nakita ko si Doktora Trina kaya naman agad akong tumayo upang maki balita sakaniya.
"Dok ano pong nangyari? okey na po ba si Harley?"
Pumakawala ito ng isang buntong hininga saka ito ngumiti. "Oo maayos na ang kaniyang kalagayan ilalagay na siya doon sa patient's ward, hindi naman malala ang sugat niya nag karoon ng bleeding dahil sa skin niya. Antayin mo nalang siya doon sa room niya."sabi nito kaya naman nabuhayan ako ng loob noong marinig kong ayos siya. "Sige alis na ako may pasiyente pang nag aantay saakin, huwag ka munang mag duty nakikita ko sa sarili mo na pagod kana you need to rest ok."sabi pa nito sabay tapik saaking balikat at doon umalis na ito.
Agad akong napahinga ng malalim at napatingin sa kisame. "Marami pong salamat tunay nga kayong makapangyarihan."
Habang sa ganoong posisyon ay naamoy ko na din ang aking damit na may bahid ng mga dugo, medyo malansa ang amoy kaya naman nag tungo ako sa information desk upang hanapin si Lovely. Pagdating ko doon ay hindi naman ako nabigo dahil nandoon siya abala sa pag susulat ng papel kaya agad ko itong nilapitan. "Oy! Ken kumusta na si Harley?"bungad nito
"Stable na yung kondisyon niya, ahm Lovely kung maaari lang paki bantayan nga si Harley doon sa room niya mamaya kasi kailangan kong umuwi, tignan mo puro dugo itong damit ko"sabay turo dito
"Naku! kung hindi mo tatanungin may extra unisex t shirt ako dito kunin mo na ibalik mo nalang bukas, saka isapa ay may binabantayan din akong pasiyente. May hinahanap lang akong papel niya dito"
"Sige salamat nasaan ba?"tanong ko at doon may hinalughog siya sa cabinet sa baba ng table saka niya inabot saakin ang naturang damit.
"Maghugas ka na doon sa room ni Harley"sabi nito kaya naman ginawaran ko ito ng matamis na ngiti. "Salamat Lovely tunay ka ngang kaibigan."
Natawa lang ito sa sinabi ko. Agad ko nang tinungo ang kwarto ni Harley sa ward 3 daw dito sa first floor kaya hinanap ko ito buti nalang kabisado ko lahat ng rooms dito kaya hindi na mahirap saakin na hanapin ito. Pagdating ko doon ay nakita ko si Harley na naka higa habang naka pikit ang kaniyang mga mga. Dahan-dahan akong pumasok saka ko sinara ang pinto at nagtungo ako sa banyo ng kaniyang kwarto.
Agad kong inalis ang aking damit at saka binuksan ang faucet at doon nag simula na akong mag hugas ng aking katawan. Patuloy ako saaking ginagawa hanggang sa mawala na nga ang natuyong dugo saaking braso at mawala ang amoy nito. Sinuto ko ang pinahiram na damit saakin ni Lovely saka ako nag hilamos at napatingin ako saaking sarili sa salamin.
Binuksan ko na ang pinto at bumungad saakin si Harley na nakatingin dito sa banyo. "Nakaka inis ka tinakot mo ako!" naiinis kong wika at doon agad akong lumapit saka ko ito inambaan ng sampal ngunit bigla ko nalang itong niyakap ng mahigpit. Naririnig ko lang itong tumatawa.
"Bakit kasi naisip mong mag laslas! nakaka inis ka! papatayin mo ako sa takot! paano na kapag namatay ka edi sinaksak na ako ng mama mo!"umiiyak kong wika pero niyayapos niya lang ang aking likod.
"Shh okey na ako huwag ka nang umiyak hindi ako mamamatay dahil ayaw kitang iwan. Pero sinaktan mo ako ng sobra kaya ko nagawa iyon sorry na kung natakot kita."sabi nito kaya naman agad akong nagpunas ng luha saka ko ito kinitusan.
"Aray! at talagang balak mo pa akong kitusan a!"daing nito kaya tinawanan ko lang siya, ewan gustong gusto ko siyang sinasaktan nakaka tuwa kapag nasasaktan siya ang cute niya mainis.
"Doon ka nanga sa ex mo!"sabi pa nito saka tumagilid sa ibang dereksyon kaya nakatalikod ito saakin.
Agad ko naman itong niyakap saka kinagat kagat ang kaniyang tenga para lambingin kaya napa sigaw ito sa sakit. "Tang ina! ang sakit a! aso ka ba!"
"Hindi ako aso tao ako noh! saka iwasan mo ngang mag mura bad influence talaga mga ka trabaho mo."sabi ko dito ngunit hindi ito umimik bagkus humarap na ito saakin.
Tumingin ito ng seryoso saakin at doon nagtama ang aming mga mata, nangungusap at tila may nais sabihin ang mga mata ni Harley. "Mahal mo ba si Zoren?"bigla nitong tanong kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
Umiwas ako ng tingin at doon napa yuko ako tila nakaramdam ako ng kaba noong tinanong niya saakin iyon. "Ang totoo no'n Harley, Oo mahal ko pa rin siya pero wala na may pamilya na siya. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko iyon at nasasaktan ako kapag naaalala ko ang aming nakaraan, masakit para saakin Harley na mahiwalay sa taong mahal ko ngunit anong magagawa ko kung hindi kami tanggap ng nakararami."
"Ibig sabihin option lang ako?"seryosong tanong nito saakin dahilan para tignan ko ito saka ako umiling.
"Hindi Harley hindi ka option, dahil minahal kita alam mo naman iyon mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo."sagot ko
"Pero mahal mo din siya paano iyan?"
Tila nabusalsalan ang aking bibig sakaniyang sinabi hindi ako makasalita at hindi ako maka tingin sakaniya ng tuwid. "Mahal ko nga pero.... pero kaylangan ko na siyang kalimutan"
Ngumiti ito saka niya hinawi ang buhok ko. "Ken, huwag mo siyang kalimutan dahil mahirap kalimutan ang mga taong nagbigay saya saatin ang nais ko lang ay huwag mo sanang kalimutan na ako ang present mo at siya ang past mo."sabi nito kaya muli akong napayuko at saka tumango na parang batang pinangangaralan.
"Halika nga dito"sabi nito saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Harley sorry"bulong ko at hinalikan lang ako sa pisngi.
"Ang bango mo namiss ko 'yang amoy mo, kung wala lang tayo dito sa ospital kanina pa kita niyari sa kama hindi pa ako nakaka score sayo a!"sabi nito dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap niya at mabilis ko itong sinapak sa kamay.
"Araaay! ang sakit ikaw nangongota ka na saakin a! kapag ako talaga nainis yayariin kita dito!"nakangising aso nitong wika dahilan para irapan ko lang ito.
Kumindat pa ito saka nag pa cute dahilan para muli ko itong irapan. Nakakainis nakikilig na ako sa mga ginagawa niya!
"Diyan ka na nga!"sigaw ko sabay labas ng silid habang siya ay tumatawa lang. Paglabas ko ay nagtatalon talon ako sa kilig at parang guto kong magsisigaw sigaw dito sa loob ng ospital
"Ken bakit tumatalon ka anyare sayo?"naka kunot noong tanong saakin ni Joward noong makita ako kaya nag iba ang ekspresyon ng muka ko na wari'y nasasaktan. "ayy! aray! ang sakit na untog kasi yung hinliliit ng paa ko diyan sa pintuan ang sakit."palusot ko kaya napa tingin ito saaking paa.
"Okey"tumatango tango nitong wika na parang hindi naniniwala, agad na itong pumunta sa kabilang silid at noong wala na siya ay pinag patuloy ko ang aking ginagawa. Na kekeleg ake!!!
itutuloy..
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay