CHAPTER 28: It's time to say goodbye 2
Rewriting our Destiny
Kaminari amanashi
iMarjaynariNatagpuan ko ang aking sarili habang naka tayo dito sa seawall, nais ko lang mag pahangin sa mga oras na ito, gusto ko lang isipin ang parating naming pag-iisang dibdib ni Zoren. Pinag halong tuwa at sabik ang aking nararamdaman ngunit minsan may mga katanungan saaking isipan kung ano nga ba ang patutunguhan namin ni Zoren sa hinaharap. Magiging masaya nga ba ang aming pagtatapos? o may isa nanamang suliranin o problemang aming haharapin?
Magiging masaya kaya siya kahit na hindi ako babae na kayang magbigay ng supling sakaniya?
"Ano nanaman ang iniisip mo? paggising ko wala ka na sa tabi ko"pagmamaktol nito sabay lingkis ng kaniyang kamay saka niya ako niyakap mula sa likod, at doon nararamdaman ko ang kaniyang hininga saaking batok.
"Iniisip ko lang na kung pagkagtapos nating ikasal ano kaya ang kahihinatnan natin sa huli? magiging masaya ba tayo kahit hindi ko kayang mag buntis at magdala ng supling? Hindi ba magiging boring ang buhay mo?"tanong ko sabay alis ng kaniyang kamay sa pagkakayakap at tumingin ako sakaniya ng tuwid.
Ngumiti ito sabay hawak saaking pisngi at hinaplos ito. "Bakit naman ako ma boboring? nandito ka naman sa buhay ko na nagbibigay kulay sa buhay ko. Oo, minsan hinangad ko din magkaroon ng masayang pamilya na may mga anak pero ang mga bagay na iyon ay maaaring maging posible Ken. Nandito na tayo sa taon ng mga matataas na teknolohiya pwede tayong mag surrogate para magkaroon tayo ng sarili nating anak diba? kaya huwag kang mag isip ng kung ano-ano dahil ang huling kahihinatnan natin ay hindi magiging mapait tulad ng dati dahil mananaig padin ang pag-ibig"wika nito dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti saaking labi.
Ilang sandali pa ay natawa ito sabay yakap saakin, ang sarap padin pagmasdan ang singkit nitong mata habang tumatawa at kinulong niya ako sakaniyang bilugang braso. Pakiramdam ko ang safe ako kapag kasama ko siya at wala akong nararamdamang panganib kapag nandito siya saaking tabi.
"Salamat talaga Zoren isa ka talagang bonggang regalo saakin, kung panaginip man ito ay ayoko na talagang magising."ang sabi ko at doon niyapos niya ang aking likod.
"Alam mo naging emosyonal ka nitong nagdaang araw buntis ka ba?"tanong nito dahilan para bumitaw ako sa pagkakayakap sakaniya at itulak ito.
"Baliw! kasasabi ko lang na hindi ako makapagdala ng supling tapos sasabihan mo ako ng ganiyan"pambasag ko dito sabay irap at binaling ang tingin sa karagatan.
Narinig ko lang itong tumatawa at muli nanaman niyang nilingkis ang kaniyang kamay mula saaking likod at naramdaman ko itong hinalikan ako batok dahilan ng pag ngiti ng aking labi. "Ilang years nadin na hindi ako nakaka ligo sa dagat"ang sabi ko dito.
"Bakit gusto mo bang maligo sa dagat? kung gusto mo tara maligo tayo baka sakaling mabasbasan ka at mawala ang kamalditohan mo"pambasag nito saaking dahilan para kurutin ko ang tagiliran niya.
"Aray! nagsasabi lang naman ako ng totoo bakit ayaw mong malaman yung mga ugali mo!"pagmamaktol nito sabay bitaw ng pagkakayakap saaking at pumunta ito sa harap at inalis nito ang kaniyang suot na damit. Doon ay bumungad saakin ang makinis nitong katawan at walang bahid ng peklat, Nakita ko din ang napakagandang pagkaka hubog ng kaniyang katawan na halos perpekto na ang pagkaka ukit ng kaniyang mga abs. Para itong mga bato at pandesal na nakaka akit pagmasdan at isama mo pa ang paakyat nitong karug kaniyang pusod.
Maya-maya pa ay sinunod niya ang kaniyang suot na jersey shorts hanggang sa itim na boxer nalang ang natira sakaniya. Idagdag mo nadin ang nakaka panlambot nitong bumubukol sa loob ng boxer nito at kahit natutulog pa ang alaga nito ay parang kakawala na. Napa titig ako mula paa hanggang sa ulo nito na medyo magulo ang buhok ngunit bagay sakaniya itong stilo.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay