Minulat ko ang talukap ng aking mga mata at bumungad saakin ang matamis na ngiti ni Harley habang nakatagilid at nakaharap saakin habang nakaunan ito sakaniyang kamay. "Good morning Ken"
"Good morning din"bati ko sabay ngiti kinusot ko ang aking mga saka muling tumingin sakaniya. "Bakit nagbabalat iyang muka mo napano iyan?"wika ko sabay turo sakaniyang muka.
"Oo napansin ko din kahapon siguro dahil sa matinding init kahapon kaya nagbabalat ito"sagot naman nito sabay hawak sakaniyang muka.
"Bakit may linalagay kabang cream sa muka mo?"tanong ko dahilan para mangiti ito at gusutin ang buhok ko.
"Oo! nag papagwapo ako para hindi mo ako ipagpalit sa iba"nakangiti nitong sagot kaya kinitusan ko ito.
"Loko ka! mag pa check up ka kaya doon sa Hospital na pinag ta-trabauhan ko para mabigyan ng gamot iyang pagbabalat ng muka mo baka lumala pa iyan"
"Hindi na may clinic akong pinupuntahan, saka huwag mo na akong problemahin mag brush kana ang baho na ng hininga mo"dahilan para tumayo ito at tumakbo palabas ng kwarto habang tumatawa.
"Bwisit ka Harley!"sigaw ko sabay hagis ng unan sa pintuan pero wala na ito.
"Mabaho ba ang hininga ko? hindi naman ah!"bulong ko saaking sarili sabay amoy saaking hininga.
Agad na akong nag ayos ng gamit dito sa loob ng aming silid at agad akong nagtungo sa loob ng banyo upang mag tooth brush.
ROXY ON CALL..
"Naku besh baka makakabisita ako mamaya diyan sa lugar niyo ngayon, kasi tapos na yung shooting ko, bukod pa diyan clear ang shedule ko ngayon kaya free akong gumala, gusto ko sanang mamasyal sa thailand kaso wala akong kasama kaya diyan nalang ako sainyo kung pwede."masayang wika ni Roxy mula sa kabilang linya.
"pwede ka namang pumunta dito walang problema saamin ni Harley tutal kilala ka naman na niya, nagtataka nga ako bakit sobrang close niyo sa isat-isa baka pinagtataksilan niyo ako"biro ko dahilan para tumawa ito.
"siyempre friendly ako kaya ka close ko lahat ng tao"hirit naman nito. "nga pala ginagambala kapa ni Zoren?"dagdag nito dahilan para matahimik ako. Tila kung may anong kaba ang namayani saaking kaibuturan dahilan para lumakas ang pintig ng aking puso.
"Kahapon nag usap lang kami."matipid kong sagot
"Huh? ano naman yung pinag usapan niyo?"tanong nito
"Wala mag usap nalang tayo pagdating mo anong gusto mong pagkain? pagluluto kita"pag iiba ko ng usapin.
"Kahit ano basta masarap, hoy! advice ko lang iwasan mo iyang si Zoren naku sinasabi ko sayo magsisisi ka sa huli basta payong kaibigan lang friend."wika nito kaya napatango nalang ako.
"sige papatayin ko na may pupuntahan ata kami ni Harley"sabi ko at sumang ayon naman ito.
CALL ENDED..
Ilang sandali pa ay biglang lumabas si Harley mula saaming silid habang nakasuot ito ng itim na T-shirt at puting maong short at high cut na sapatos dahilan para mapangiti ako. "Porma mo naman saan ba tayo pupunta? hindi pa ako nakapalit ng damit"nakanguso kong wika dahilan para umiling ito.
"Huwag ka nang sumama pupunta lang ako sa clinic na pinagkukunsultahan ko saglit lang naman ako doon"sabi nito sabay yakap saakin dahilan para tignan ko ito ng seryoso.
"Makikipag meet ka naman ata sa nobya mo! ikaw ha! hindi mo ako maloloko meron bang pupunta sa clinic na ang porma porma! O baka naman pinopormahan mo yung Doctor doon"pagmamaktol ko nang halikan niya ako sa noo.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay