Sa oras na ito ay tila nabuhayan muli ang aking loob at napunlaan ng kulay. Hindi ko naman sinasabing hindi ako binibigyang kulay ni Harley ngunit iba ito kay Zoren, halos ngiti palang nito ay nabubuhayan na ang aking loob. NGUNIT, may limitasyon na ang lahat saamin at may barriers nading nakaharang saamin na kung saan may sarili na siyang pamilya at may kinakasama na ako at iyon ang mga katotohanang sumasampal saakin kapag naiisip ko si Zoren.
Chapter 5- Rewriting our Destiny Ittsg 2
(joseph Marco as Harley Larsson)
Dalawang araw ang lumipas noong muli kaming nagkita ni Zoren dito sa hospital, hindi ko manlang siya nasilayan muli sa ikatlong pagkakataon upang magpaalam at makausap manlang siya. Hindi ko lubos maisip na si Zoren ay nandito lang pala sa paligid na hindi ko namamalayan at tila naalisan ako ng tinik saaking puso noong naaalala pa niya ako mula noong nagkita kami sa beach matagal ng panahon.
BIYERNES, at hindi ko shift ngayon dahil pang gabi ako kaya naman napag isip-isip kong magpasama kay Harley dito sa Mall upang magpalamig at maka pagbonding manlang kaming dalawa. Habang naglalakad kami dito sa loob ay hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga tao dito sa loob ng mall dahil sa pagkakaakbay saakin ni Harley at lutang na lutang pa ang ka-gwapuhan at kakisigan nito.
Taas noo nitong naka akbay saakin at tila sinasadiya pa niya ang pagpapapansin sa mga tao dahil may pagkakataong inaamoy amoy niya ang aking ulo.
"Saan tayo pupunta?"tanong ko sakaniya at luminga ito sa paligid.
"Punta muna tayo doon sa Hardware shop may bibilihin lang ako doon, kung gusto mo mamasyal ka muna basta tawagan mo lang ako kung nasaan ka para puntahan kita doon, tandaan mo kung may makita akong kasama kang iba hindi ako mag-aatubiling tumbain kayong dalawa"pagbabanta nito sabay ngisi saakin kaya inirapan ko lang ito.
"Sino naman sa alam mong katagpo ngayon dito? saka baka ikaw ang may ka-eyeball ngayon edi quits lang tayo kung nakita kitang nakikipag landian sa mga babae"nakataas kilay kong tugon dahilan para ngumuso ito at nag pamulsa ng kaniyang mga kamay. "Wala akong paki kung may lumandi saakin, basta sayo lang ako lalandi"wika nito sabay turo saakin gamit ang dalawa nitong kamay sabay kindat saakin dahilan para matawa ako sa sinabi niya.
"Oo saakin kana lalandi pero pag ako ang linoko mo huwag ako madami akong reserba diyan"pagmamayabang ko dahilan para mag seryoso ang tingin nito saakin sabay kitos saaking ulo. "Hoy pandak! ang yabang yabang mo!"sabi nito saakin dahilan para amabaan ko ito ng suntok ngunit na huli niya ang kamay ko.
At sa hindi inaasahan ay agad niya akong ninakawan ng halik sa labi na aking kinagulat. "Bwisit ka Harley!"bulong ko at tinulak ito hindi naman sa nagpapakipot ako at sa hindi ko gusto pero nasa publiko kami at madaming mata ang nakaaligid saamin mabuti sana kung nasa bahay kami edi mag laplapan pa kami.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay