Dalawang araw bago sumapit ang pasko, ngunit tila wala na atang balak ni Harley na makipag bati saakin kaya naman minabuti ko munang mag karoon kami ng pahinga upang ma kapag isip-isip. Marahil nga nasaktan at binigo ko siya ngunit nasaktan din ako sa ginawa niya saakin.
Alas otso ng umaga noong natapos ang shift ko kaya naman napag isip-isip kong lumabas muna ng hospital at mag pahangin sa labas para naman maka langhap din naman ako ng sariwang hangin kahit papano. December na naman at masaya akong naabot ko pa ang ganitong taon, kahit na may dalang kalungkutan ang 2019 ay nag papasalamat pa din ako dahil natupad ko ang aking pangarap at heto naka tayo at pinagmamasdan ang napaka tayog na gusali na kung saan doon ang nag t-trabaho.
Gumuhit ang matamis na ngiti saaking labi kasabay ng pag lisan ko sa gusaling aking pinag t-trabahuan. Patuloy ako sa paglalakad dito sa ground area ng hospital hanggang sa makalabas na ako ng main entrance. "Tapos na po yung shift niyo sir?"nakangiting bati saakin ng security dito sa malaking gate dahilan para ngitian ko ito.
"Opo manong, pero napag isip-isip kong lumabas muna parang gusto kong mamasyal diyan sa malapit na mall gusto kong i-treat ang sarili ko."at doon ay tumango nalang ito.
Pagkalabas ko ng malaking gate ay bumungad ang napaka lawak na Hi-way may mabibilis na sasakiyang tumatawid kaya medyo natagalan ako sa pagtawid. Pero agad kong hinanap ang pedestrian lane para doon nalang mag lakad para mas safe. Pagdating ko doon ay tumingin muna ako sa aking kaliwa at kanan kung may sasakiyan, salamat naman ay wala kaya tumawid na ako papunta sa kabila.
Habang sa ganoong pagtawid ko ay biglang nag ring yung phone ko ngunit hindi ko muna ito pinansin dahil naglalakad pa ako hanggang sa tuluyang naka tawid na nga ako. Muli kong kinuha ang phone ko saaking sling bag at tinignan kung ano yung notification ko nang makita ko ang message ni Roxy kaya dali-dali ko itong binuksan.
_________________________________________
YOU GOT A NEW MESSAGEFROM: ROXY
TO: KEN"Hindi ka manlang hihingi saakin ng sorry? nakaka inis ka talaga pero sige na ako na ang hihingi ng sorry. Kahit kasalanan mo ako nalang kasi gusto kong mag kabati na tayo ayokong mag papasko akong malungkot dahil friend ship over na tayo, Oo minsan kasalanan ko din pero hayaan na natin ang lahat ng iyon dahil christmas na. Sana mag bati na tayo hindi ako sanay beshy."
REPLYING
FROM: KEN
TO: ROXY"Ako sana ang hihingi ng tawad dahil sa sinabi ko sayo noon, alam kong nasaktan kita at nagsisisi ako sa sinabi ko sayo. Dapat ako ang nag message sayo at ako dapat ang humihingi ng tawad, pero Roxy patawarin mo din ako beshy hindi din ako sanay na nag aaway tayo. Friends na ulit tayo a! pero sa ngayon may inaayos pa akong problema kaya medyo malungkot pa din ako."
ROXY REPLIED
FROM: ROXY
TO: KEN"Sige friends na ulit tayo at sana mag bati na kayo ni Harley dahil malaking kawalan ka pag hindi kayo nag ayos lalo na't christmas pa sana mag bati na kayo. Sige na may shooting pa ako tawag nalang ako later kung ayos na kayo ni fafa Harley mo."
________________________________________Tila nabunutan ako ng tinik noong nabasa ko ang message ni Roxy, pakiramdam ko ay unting- unti nang bumabalik ang dati kong nasirang relasyon naming mag kaibigan. Sana ganon din kay Harley dahil miss ko na din siya, sana bukas o bago mag pasko ay bati na kami.
Habang sa ganoong pagkakatayo ko dito sa labas ng isang mini mart ay nakita ko si Zoren sa loob ng mini mart at may kasama itong bata, marahil iyon nanga ang kaniyang mga anak malalaki na din sila hindi tulad noong una naming pag kikita noong matagal nang panahon.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay