CHAPTER 11
Writers Greetings: Salamat sa matagal na paghihintay sa ikalawang yugto ng aking libro, aaminin ko nakensensya ako saaking mga karakter na wala manlang naganap na happy ending, ngunit nandito ako ngayon upang ibigay ang matagal niyo ng ninanais mabasa maligayang pasko.
SEASON 2 It's time to say goodbye book 2
Makalipas ng tatlong araw ay naging malamig ang relasyon namin ni Harley hindi naman sa hindi kami nag-uusap dito saaming bahay, ngunit tila nawawalan na siya ng oras saakin. Pakiwari ko'y hindi na niya ako mahal dahil sa dami nitong nilalakad at isa na dito ang "Papers daw niya sa Clinic" na aking pinagtataka.
Malapit nading maubos ang bakasyon ni Roxy kaya naman bago ito bumalik sa siyudad ay ninais naming sundan si Harley sakaniyang pinupuntahan upang maliwanagan ako sa mga kinikilos nitong kakaiba. "Basta saakin lang Ken huwag tayong mag papahuli kay Harley naku! hindi ko lang alam baka magalit sayo iyon. Bakit kasi naisipan mong babae niya yung doktora doon?"tanong saakin ni Roxy habang papalabas kami ng tarangkahan.
"Basta may kutob lang ako kakaiba na kasi ang kinikilos niya hindi ko na nagugustuhan sa halip na magkaharap kaming matulog ay tumatalikod na ito."nangangamba kong tugon.
Agad kong kinandado ang aming tarangkahan at agad pumara ng taxi. "Pero alam mo ba kung saang clinic siya nagpapa facial treatment?"tanong nito saakin sabay pasok ng taxi.
"Oo, nabasa ko doon sa papel na nakita natin doon sa ilalim ng aparador niya."
"Sir saan po tayo?"tanong mula sa driver habang nakatingin ito sa rear mirror ng taxi.
"Doon po sa Clinique Dematologist alam niyo po ba iyon?"tanong ko nang pindutin nito ang GPS ng taxi.
"Opo sir medyo malapit lang naman dito"sagot nito at pinaandar na niya ang sasakiyan. Hindi ako mapakali sa mga oras na ito tila may nararamdaman akong kakaiba talaga sa pinupuntahan ni Harley. Ngunit hindi muna ako pasisigurado saaking iniisip marahil masiyado lang akong nag-iisip. Ibayong kaba ang aking nararamdaman at tila nanghihina ang aking mga tuhod kapag iniisip kong may babae si Harley hindi ko alam kung ano ang aking unang reaksyon kapag nahuli ko itong nambababae.
Lumiko ang sasakiyan papasok sa isang eskinita at derederetso lang ito hanggang sa tumapat na kami sa isang malaking bahay at nandito nga nakaparada ang sasakiyan ni Harley. Muli akong nakaramdam ng kaba habang pinipihit ko ang pintuan ng sasakiyan.
"Salamat po kuya keep the change nalang po."wika ni Roxy sabay baba, agad akong tumayo at napatingin sa naturang bahay maganda naman ito at malaki ngunit parang walang tao dito sa labas kaya minabuti naming pasukin ang naturang bahay ngunit nakalock ang gate nila.
Ngunit agad hinilia ni Roxy ang aking kaliwang kamay dahilan para mapatingin ako sakaniya "Huwag muna tayong pumasok sa loob Ken sigurado ako may mga CCTV dito baka mapansin nila tayo at mapagkamalan tayong magnanakaw."bakas sa muka ni Roxy ang kaba at takot sakaniyang muka dahilan para itigil ko ang pagpasok.
Wala akong nagawa kundi pakalmahin ang aking sarili inisip ko nalang na magiging ok ang lahat. "Sige! anong gagawin natin? tutunganga nalang ba tayo dito ganun ba Roxy? anong klase kang kaibigan dapat tinutulungan mo ako!"galit kong sigaw dahilan para magulat ito saakin, umiling iling ito sabay hawak saaking mga kamay.
"Ken kaibigan mo ako simula noong kabataan natin pero Ken hindi tayo pwedeng pumasok diyan baka magalit pa sayo si Harley, Please beshy huminahon ka hindi ito ang oras para magalit ka."seryoso nitong wika sabay tingin sa bahay.
Napatakip nalang ako ng aking muka sabay upo dahil sa matinding takot na baka iwanan ako ni Harley, halos maiyak ako noong mga oras na iyon at hindi mapigilan ang aking sarili. Naramdaman ko naman yumakap saakin si Roxy at hinagod ang aking likod. "Shhh, besh huwag kang umiyak please pinapakita mong mahina ka. Please beshy tumayo kana diyan at maghanap tayo ng pwede nating matataguan at sa oras na lumabas si Harley at kung kasama niya ang babae ay doon tayo susugod okey?"pagpapatahan nito dahilan para agad kaming lumipat ng pwesto kung saan dito sa likod ng puno ng mangga.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay