A/N: Bago pa man ako magpaalam sainyong lahat nagpapasalamat ako dahil sinamahan nyo nanaman ako dito sa ikalawang kuwento ni Ken at Zoren. Naging mahirap man ang pinagdaanan nilang dalawa pero nandito sila ngayon at masayang pinagsasaluhan ang kanilang pagmamahal sa isat-isa. Sino ba namang tao ang makaka tuluyan ang kaniyang pinapangarap noon, diba ang swerte niya? Basta lagi natin itatak si Ken na maging matatag sa bawat suliranin saating buhay, stay positive lang at patuloy parin tayo sa pagtahak ng ating pangarap. Kung sakali man na feeling niyo ay Roxy kayo na palaging nag aantay ng "The One" hintayin nyo lang dadating din iyan sa tamang panahon huwag kayong atat sabi nga ni Ken "Baka nandyan lang siya sa tabi tabi at nag aantay ng tiyempo" tandaan niyo din ang sinabi ni Ken na "Nasa sa'yo kung paano mo sisimulan ang isang relasyon, kung dadaanin mo ito sa pera ay hahanap hanapin nya ito."
Muli ako si iMarjayNari o mas kilalang Kaminari_amanashi nagpapasalamat sa taos puso niyong pagbabasa saaking mga kuwento sana ay samahan niyo pa ako sa susunod na kuwento.
iMarjayNari
@Kaminari_amanashi
Rewriting our Destiny
It's time to say Goodbye IIC H A P T E R 3 2 : FINALE
Lumipas ang ilang taon naming pagsasama ni Zoren at masasabi kong going strong naman ito dahil mas lalo pang tumibay ang aming pagsasama noong napag pasiyahan naming makipag surrogate sa ibang bansa. Hindi madali ang bagay na iyon dahil dumaan muna kami sa napakadaming proseso upang makuha namin ang aming hinahangad, naghanap kami ng Surrogate Mother upang maisagawa ang Surrogation. Minsan may nagaganap na tampuhan saamin ni Zoren ngunit agad din kaming magkakasundo. Sa pagdating ng napakagandang regalo saaming buhay ay siya namang nagpabago ng takbo ng buhay namin ni Zoren bilang mag-asawa tila mas naging masigla pa ang aming buhay at napapanatag ang aking loob na kahit lalaki kaming dalawa ni Zoren ay may anak naman kami.
Naka upo ako ngayon dito sa verranda ng aming terrace habang pinag mamasdan ang mag amang si Yuen at Zoren habang abala sa pagpapakain saaming anak. Kahit na apat na taong gulang na si Yuen ay bini-baby padin ito ni Zoren pero ayaw ni Yuen dahil binata na daw ito. Natatawa ako sa tuwing sinasabi niyang "Daddy Binata na ako huwag niyo nga akong gawin baby!"
Nagmana si Yuen saaking ugali, palagi nitong pinag ttripan ang kaniyang ama sa tuwing natutulog ito. Noong nakaraang araw nga sa halip na magalit si Zoren ay natawa nalang siya dahil ginuhitan ni Yuen ang muka ng papa niya habang tulog gamit ang Pentelpen. Minsan naman sinasapak niya ang ama niya sa tuwing nanakawan ako ng halik kaya naman hindi maiwasan ni Zoren na mag selos dahil ang gusto ni Yuen ay sakaniya lang ako.
"Sige na baby Yuen ubusin mo na ito para makapag laro na tayo ng basketball mamaya. Diba gusto mong maglaro?"sabi ni Zoren saaming anak ngunit talaga namang nuknukan ito ng tigas ng ulo. "Busog na po ako bakit nyo po ako pinipilit ayoko na nga po kung kayo kaya ang mabusog ng ganito tapos pipilitin kayon kumain ano ang sasabihin niyo"nauutal pang sagot ni Yuen sa ama nito kaya naman halos matawa ako saaking kina uupuan.
Napakamot si Zoren sakaniyang ulo at ngumiti sa anak namin. "Anak naman talagang parehas kayo nitong Papa mo, Sige na nga pero bago iyan kiss muna si Daddy sa lips"sabi ni Zoren sa anak namin ngunit tumalikod lang ito at nag crossarm
"hmmp. Ayoko nga po hindi pa kayo nag mouth wash later nalang if nag mouth wash na kayo."pag tanggi ni Yuen sa ama nito kaya naman walang nagawa si Zoren kundi tumayo at nag pout sa anak nito. Agad namang humarap si Yuen sa ama nito saka ngumiti. "Joke lang Daddy I love you so much!"panlalambing ng bata sabay yakap sa ama.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay