Hindi naman ako galit, sinusubukan ko lang kong paano ka manlambing"nakangiti nitong sabi saakin kaya unting-unti gumuhit ang inis saaking kaibuturan. "Bwisit ka talaga! Harley akala ko pa naman seryoso ka!"naiinis kong sabi sakaniya sabay kurot ng kaniyang tenga
"Aray! masakit yon Ken tumigil ka nga"daing nito kaya inambangan ko pa ito ng suntok ngunit hinarang niya ang kamay niya
Agad akong umalis sa harapan niya at pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman ako galit sakaniya maliligo lang ako dahil basang basa na ako hayaan ko siyang mamatay sa kaka sorry saakin mamaya. Biro lang
"Ken bumalik ka dito hindi pa tayo tapos mag-usap Oo galit ako ey!"narinig ko pang boses nito kaya humarap ako sakaniya at inirapan sabay dila at agad na akong pumasok ng bahay saka ito sinara.
CHAPTER 4: Rewriting our Destiny (Ittsg 2)
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagtungo sa kusina para ipagluto si Harley ng masarap na pagkain. Alam ko namang mag papasuyo nanaman iyon mamaya dahil nasira ko yung eye glass niya dahil sa ginawa ko kanina. Habang naghihiwa ako ng karne dito sa kusina ay siya namang pagpasok niya, habang naka sandal at naka cross arm siya doon sa pintuan papunta dito sa kusina. "Ang galing mo namang humiwa ng karne"narinig kong pumapalak pak ito kaya naman halos mangiti ako sa sinabi niya.
Napatingin ako sakaniya at nagwika "Sigurado ka?"nakangiti kong wika at hinihintay ko nalang ang sagot niya, ngunit nagtaka ako noong umiba ang reaksiyon ng muka niya na animo'y may mali saaking ginagawa.
"Ang galing mo Ken, hindi pantay-pantay yung karne mo!"sabi nito saakin sabay kuha ng kutsilyo sa kamay ko.
Hindi ko alam kung babatukan ko nga ito o hahampasin ng kubyertos sa ulo niya, sabi niya saakin maganda ang pagkakahiwa tapos tuwang tuwa naman ako. Pero sa totoo lang wala naman akong alam sa paghihiwa ng karne KUNG pagpapantay-pantayin. Ewan ko ba dito kay Harley ang daming nalalaman ulam din naman ang kalalabasan.
"Ulam nga ang kalalabasan pero parang kakain ka naman ng buong baboy sa mga hiwa mo"sabi nito saakin kaya napatingin ako sakaniya.
"Ay! nabasa mo yung nasa utak ko?"tanong ko kaya napatingin saakin ito at tumaas ang kilay nito.
"Oo, at alam kong pinagpapantasyahan mo ako gabi-gabi kapag matutulog tayo"sabi nito habang naka ngisi dahilan para kitusan ko ang ulo nito.
"Hoy! ikaw kumukota kana saakin ilang beses mo na akong kinikitusan at sinaksaktan, kapag ako bumawi sayo paiiyakin kita sa kama"sabi nito saakin dahilan para kumunot ang noo ko saka pinag kukurot sakaniyang tenga dahilan para magsisigaw ito ng itigil ko na.
"Aray ko! ang sakit non ha!"daing nito habang hinahawakan niya ang tenga nito. Agad naman akong tumayo at dinilaan ito sabay alis sa kusina. "Hoy! saan ka nanaman pupunta trabaho mo ito! huwag mong ipagawa saakin tinutulungan lang kita Ken!"narinig kong sigaw nito mula sa kusina kaya agad akong bumalik.
Tumingin ako sakaniya na tila nag papaawa ngunit sa halip na lapitan ako nito ay binato ako ng bimpo sa muka dahilan para iyukom ko ang aking mga kamay. "Huwag ka ngang mag paawa sa harap ko parang kang ewan!"sabi nito habang tumatawa ako naman ay lumapit sakaniya at muling umupo sa tabi niya.
"Ganito ang magluto"sabi niya sabay ngisi saakin na parabang nangaasar. Parang pinapamuka niya saakin na hindi ko alam magluto.
Tumayo ito saka muling inalis ng kaniyang puting sando kaya muli nanamang tumambad saakin ang maganda nitong katawan na nakakaakit at nakakapanlambot ng tuhod. "Re-required ba talagang mag alis ng pantaas na da-damit?"nauutal kong tanong sakaniya at hindi ako makatingin sakaniya ng mabuti dahil naiilang ako. Hindi ko alam kung ginagamit niya yung karisma niya saakin epal siya.
"Basang basa ako eh, paano naman kasi pinaliguan mo ako kanina edi magtatangal ako ng damit, bakit gusto mo pati short ko alisin ko?"tanong nito saakin sabay kagat labi kaya inirapan ko lang ito.
"Bastos! may nagluluto bang nakahubad"sabi ko sakaniya at natawa lang ito at kumindat dahilan para makaramdam ako ng kilig saloob ng aking kaibuturan na nagbibigay saakin ng panghihina ng tuhod.
Kinuha niya ang apron sa loob ng cabinet ng aming lababo at saka nito sinuot dahilan para makaramdam ako ng panghihinayang. "Ay inalis niya? sayang naman"pagmamaktol kong bulong dahilan para tumingin ito kaya ngumiti lang ako saka kumaway para hindi ako mahalata.
Nagsimula na itong magluto, binuksan niya kalan saka niya sinalang ang kawali. Pinapanood ko lamang ito, minsan napapa lunok ako ng walang laway dahil sa swabe nitong galaw, lalaking lalaki itong gumalaw parang Zoren lang. Minsan napapatingin ito saakin at nagpapa cute kaya naman hindi ko maiwasang mangiti at magwala ang puso ko sa sobrang galak na nadarama.
Ilang saglit pa ay linagay na niya ang karne at linagyan ng iodize salt. Kahit sa paglagay nito ng mga kasangkapan ay hindi mo maiiwasang mamangha at ma-gwapuhan sa kakisigan nito. Habang sa ganoong pagluluto nito ay nagulat nalamang ako noong umapoy ang kaniyang linuluto.
"Sunog! Harley bwisit ka nasusunog na! HOY!"sigaw ko dito at hindi maiwasang mag panic, tila maputulan ako ng hininga sa mga oras na iyon samantalang si Harley ay tawang tawa lang ito.
"Pinapaapoy ko sa loob para maluto sa tuktuk ng karne, hindi kaba nanonood ng cooking show karaniwang ginagawa nila iyon"tawang tawa nitong sabi saakin at parang sumakit na ang tiyan niya katatawa dahil nakahawak ang isang kamay niya sa tiyan nito.
"Alam ko bang nanonood ka ng cooking show ay abala ka naman sa trabaho mo! kapag manonood tayo ng T.V tinutulugan mo naman ako"pagmamaktol ko sakaniya at tumigil na siya sa katatawa.
"Paano naman kasi puro anime ang pinapanood mo nakaka bagot kaya"sabat naman nito kaya inirapan ko nalang ito. Totoo naman kasi puro anime ang pinapanood ko kapag inaaya ko itong manood sa tabi ko, nakaka adik lang kasi nakakawalang pagod kapag galing ako sa trabaho.
Ilang minuto ang lummipas ay natapos nanga itong magluto. Pati garnishing o pag dedekorasyon sa linuto niya ay hindi niya pinalampas.
"Tapos!"sabi nito sabay punas ng pawis sakaniyang noo gamit ang braso nito kaya agad ko siyang linapitan at pinunasan ng bimpo. "Salamat"sabi nito saakin sabay ngiti.
"Kain na tayo?"tanong ko
"Magbabanlaw muna ako kita mo natuyuan na ako"sabi nito sabay halik saaking pisngi kaya hinayaan ko na itong magbanlaw.
Pagkatapos ay agad na siyang pumunta sa lamesa para kumain. Masaya kaming nag kwentuhan tungkol saaming mga pangarap sa buhay naming magkasintahan kapag sinagot ko na ito. Malapit ko narin siyang sagutin at sa araw na iyon ang aking desisyon na aking pinag-isipan ay hindi ako magsisisi dahil sa tingin ko si Harley na nga ang tinadhana para saakin.
itutuloy..
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay