CHAPTER 8
It's time to say goodbye book 2
_________________________________________ROXY ON CALL
"Omaygash! seriously? nakita mo si Zoren sa Hospital na pinag ta-trabauhan mo? at kinausap ka niya"pag-iingay ni Roxy sa kabilang linya dahilan para mainis ako dito.
"Paulit ulit ganon? Oo nga at isa pa binigyan niya ako ng bulaklak kagabi ang akala ko si Harley ang nagbigay saakin kaya nag message ako pero ayun nga hindi daw siya"naiirita kong tugon.
"Basta saakin lang besh, mag-ingat ka lang alam mo namang obsessed sayo si Zoren baka nabaliw na sayo iyon, pero wait lang matanong nga kita"sabi nito
"Mahal mo parin ba si Zoren?"tanong nito na dahilan para maubo ako sa tanong niya.
"Anong klaseng tanong naman iyan, siyempre may kunti padin pero hindi na nga pwede diba. At isapa ang pinagtataka ko bakit siya nandito eh wala naman silang lupa dito"sagot ko naman.
"Ah basta kung ako sayo iwasan mo na siya lalo na't may jowabels ka, at isa pa tanungin mo kaya kay Zoren bakit nandito siya O baka naman sinundan ka niya yieeh"panga-ngatiyaw nito dahilan para patayin ko ang tawag nito.
CALL END.
_________________________________________Napatingin nalang ako sa cellphone ko kung saan naka wallpaper ang picture namin ni Harley habang naka akbay siya saakin. "Argh! ewan ko bakit ganito ang twist ng mundo nakakaasar!, kung kaylan nakaka moveon na ako doon pa siya sumulpot tang ina lang"sigaw ko sabay sabunot ng aking buhok at agad kong binagsak ang aking katawan saaming kama.
Tahimik.
Pansamantala akong naka tingin sa kisame at agad din akong bumangon dahil sa busina ng sasakiyan sa labas. Agad kong pinag buksan ng gate si Harley saka niya ito pinarada ang sasakiyan sa garahe.
Nakatayo lang ako dito sa gate dahil nag-iisip pa ako kung ano ang pwede kong ipalusot sa text ko kagabi, alam kong hindi pa niya iyon nakakalimutan. "ey! anong ginagawa mo diyan? bakit naka tayo ka pa diyan hindi mo manlang ako hahalikan? o yayakapin?"tanong nito habang naka sandal sakaniyang sasakiyan samantalang ako naman ay napako ako saaking kinalalagiyan at pilit na kinakalma ang aking sarili.
"ah, ano, ganito kasi Si-"hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla itong nag salita.
"ahh!, hayaan mo na nga halika nga dito may pag-uusapan tayo"sabi nito sabay hatak saaking kamay papasok ng aming bahay, ito na nga ang sinasabi ko magagalit nanaman siya.
Agad kaming pumasok saaming silid saka niya ito linock at humarap ito saaking habang ako naman ay nakaupo sa kama. "Patungkol pala doon sa magaganap na Party sa opisina namin pwede daw kaming magsama ng karelasyon namin para mas masaya daw, ano payag ka?"tanong nito saakin at nakahinga ako ng maluwag.
"Pwede din pero, may party din kami pero hindi pa siya na plano"sagot ko naman na kina simangot niya. "Hindi I mean susubukan ko pumunta ano wala ka nang tatanungin?"dagdag ko at kumunot ang noo nito.
"Bakit parang pinag papawisan ka? nagmamadali ka? may pupuntahan ka ba?"tanong nito saakin kaya agad akong kumalma saka ngumiti.
"Naku wala, magluluto na kasi ako alam mo na gutom ka na siguro"pag dadahilan ko at tumango ito.
"Sige magluto kana medyo wierd ka ngayon"sabi nito sabay bukas ng pinto at lumabas ng aming kwarto.
phew....
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay