IT'S TIME TO SAY GOODBYE BOOK 2
"REWRITING OUR DESTINY"CHAPTER 22
Writer's note: Hi mga shipapalogs! alam kong madami sainyo ay inaabangan ang book 2 ng pinaka una kong akda kaya ito binigay ko sainyo, sana na satisfied kayo sa binigay kong book 2 ito lang kasi yung na isip ko bilang peace offerings sainyo. Ang kuwentong ito ay hango sa totoong storya wala na sanang book 2 ng nauna nitong libro kasi sad ending talaga ang nangyari. Ito kasi ang explanation niyan ang kuwentong ito ay kuwento ng aking kaibigan at siya ang kumakatawan bilang si "Ken Manzon" tatlo kasi kaming magkakasama yung isa nainlove sa kaibigan niyang lalaki, okey naman yung boy dahil mutual yung naramdaman hindi nga namin in expect na yung tinuturo'an ng friend ko ay siya ang makaka tuluyan niya. Hanggang sa noong graduation namin ng grade 10 nakilala namin yung parent ng boy pero ang hindi ko in expect yung mag hihiwalay sila ayun napunta sa sad ending.
Pero maayos na yung friend namin haba kasi ng hair niya mga shipapalogs ahaha cute niya kasi ako lang ata ang pangit sa grupo namin joke lang sa susunod aalisin ko na yung retainer ko baka sakaling may magmahal na saakin chour. Ang tawag nga ng iba saamin ay "Power puff gays" ako si Buttercup at yung friend ko naman ay si Bubbles tapos yung isa si Blossom, si Blossom (yung isa kong friend) nag balik loob maging lalaki ayun may girl friend na siya si Bubbles naman wala sad padin, at ako? heto palihim na humahanga sa isang gagong lalaki ewan kung bakit ko siya nagustuhan btw salamat talaga sa pag babasa ng libro ko lovelots pag pray niyo ako sa final defense namin.
CHAPTER 22
Pag dating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mga magulang ni Zoren ang iba ay nag sisipalakpakan.Bakas sa muka ng mama ni Zoren ang labis na saya kaya agad akong niyakap ng mahigpit.
"Sorry anak patawarin mo sana ako."bulong nitong habang magkayakap kami sa gitna ng aking mga kapamilya dito saaming bakuran.
"Hindi na po mahalaga iyon basta mag saya tayong lahat tita"bulong ko naman at tila gusto kong umiyak sa matinding saya.
Bumitaw na ito sabay pinunasan ang luha nito sa mata at ngumiti saakin. "anak botong boto na kami sayo"sabi nito kaya halos mapangiti ako sa sinabi ng ina ni Zoren.
"Ano pang inaantay niyo! tara na!!"sigaw ni Tito Jumar at doon dumagundon ang malakas na musika sa nirentahan nilang videoke. Napuno ng hiyawan at tawanan ang aming bakuran, parang panaginip lang ang lahat sobrang saya at parang hinangin ang lahat ng aming problema. Masaya kaming mag kaakbay ni Zoren habang pinag mamasdan ang aming pamilya na nag kakasiyahan at umiindak indak sa pag sasayaw, hindi rin nag patalo ang maliliit kong pamangkin at pinsan sa pag sasayaw ng bagong dance craze.
Nakisaya din kami ni Zoren dahil may pa parlor games sina mama dito sa bahay at ang aming mga kapit bahay ay naki sali saaming kasiyahan.
"Bakit ang tahimik mo na?"tanong ni Zoren noong makita akong naka upo dito sa terrace namin.
"Wala, masaya lang ako sobrang saya ko talaga ngayon."tugon ko naman sabay humilig sakaniyang balikat naramdaman ko itong hinalikan ang aking ulo at umakbay ito saakin.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
Storie d'amoreMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay