CHAPTER 5

625 35 1
                                    

"Ken napanood mo ba sa balita kagabi na gagawa daw ng movie si Direk Weng Linamas na fantasy movie ata iyon, at si Roxy kasama siya sa movie excited na ako"balita saakin ng katrabaho kong si Lovely habang naglalakad kami dito sa hallway papunta sa ward 21.

"Ay hindi ko napanood sayang, pero nabanggit mo si Roxy, anong role niya doon sa movie na gagawin ni Direk Weng?"tanong ko dito.

"Ang pagkakatanda ko ano siya kontrabida, bagay niya naman ang maging kontrabida pero yung ayos niya babae siya doon I mean baklang naging babae ganern"sagot naman nito kaya tumango nalang ako.

"Bakit Ken? kaano ano mo si Roxy?"pang uusisa nito saakin kaya nginiti-an ko ito. "Best friend ko siya since high school kami sabay kaming nag graduate sa Lauren Academy"sagot ko naman dahilan para manlaki ang mata ni Lovely at tumigil kami sa paglalakad.

"Really?"tanong nito saakin kaya tumango lang ako sabay ngiti.

"shocks! sabihan mo naman siya na dumalaw siya dito sa Hospital"pangungulit nito saakin.

"Tignan ko kung may vacant schedule siya, alam mo naman ang mga artista hindi nawawalan ng schedule. Kung may fan signing sila, interviews at shooting"sabi ko naman dahilan para malungkot ito.

"sabagay"sabi naman nito at pinagpatuloy nanamin ang paglalakad.

Pagdating namin sa ward 21 ay agad naming inasikaso ni Lovely ang aming pasiyente, nagtamo ito ng gasgas sakaniyang kaliwang kamay dahil sa pag kaka disgrasya ng motor ngunit lininisan namin ito agad upang hindi magdulot ng impeksyon. Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa baby room, habang paakyat ako ng stairway ay bumungad saakin ang isang binata at ang pagkakatantiya ko ay nasa 20's ito dahil matured na ito. mapapansin na humihikbi ito habang nakayakap sakaniyang mga tuhod at nakatalungko sa isang sulok na tila batang kinawawa at inapi.

"Iho, ayos kalang?"tanong ko at inangat niya ang kaniyang ulo ngunit agad din itong yumuko.

"meron bang umiiyak na ok? wala naman diba"sabi nito habang humihikbi kaya napatakip nalang ako ng aking bibig saka ko ito linapitan.

Umupo ako sakaniyang tabi at inakbayan ito. "Shh tahan na, may problema kaba? pwede mong sabihin saakin"malumanay kong sabi sakaniya dahilan para umayos ito sa pagkakaupo at nagpunas ng mga luha gamit ang kaniyang mga kamay.

"Si tatay po kasi, kritikal ang kondisyon niya nasa I.C.U po siya ngayon ni hindi ko manlang maaaring bantayan o masilayan manlang"nagpipigil iyak nitong sabi saakin habang hindi maubusan ng luha ang kaniyang mata kaya agad kong hinaplos ang kaniyang likod.

"Bakit? anong rason bakit hindi mo siya malapitan doon?"pang-uusisa ko.

"Kasi kuya hindi niya ako tanggap bilang ganito, alam mo na bakla ako kuya at kinakahiya niya ako. Pinalayas niya ako saaming bahay dahil kahiyahiya daw ako ng buong pamilya namin at niisa ay wala pang bakla aming angkan kundi ako lang. Ngunit kahit gano'n kasakit ang mga binibitawang salita ni tatay saakin ay hindi ako nagtanim ng galit saaking puso bagkus palagi ko nalang pinagdadasal sa poong may kapal na sana pagdating ng panahon ay matanggap nila ako."salaysay nito saakin at sa puntong iyon ay humupa na ang kaniyang pag-iyak.

"Bakit hindi mo ngayon subukang puntahan siya sa I.C.U"sabi ko sakaniya nang tumingin ito saakin ngunit agad din siyang tumingin sa hagdan.

"natatakot po ako na baka galit parin siya saakin"malungkot nitong tugon saakin dahilan para ngitian ko ito at hinigpitan ang pagkakaakbay sakaniya.

"Iho, alam mo bang katulad mo ako?. Oo, hindi halata dahil inaayos ko ang aking sarili iniiwasan ko ang mga kolorete at pagsusuot ng pangbabaeng damit sa publiko. Hindi naman masama ang maging isang Homosekswal o bakla sa totoo nga ay panindigan natin ito at ilabas ang tunay na tayo. Hindi rin naman masamang magsuot ng pangbabaeng damit basta lagi nating tatandaan ang salitang "Dignidad" huwag mo itong kakalimutan at isa pa ay ang "Respeto". Dahil kung gusto mong igalang ka ay igalang mo din ang iyong sarili."nakangiti kong paliwanag sakaniya dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti sakaniyang labi.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon