CHAPTER 24

444 21 4
                                    


"Sa tingin mo makaka takas ka pa ngayon, wala na! walang nakaka alam na mamamatay ka na! hahahaha"mala demonyo nitong tawa at mas dinikit pa niya ang patalim saaking leeg dahilan para maramdaman ko ang talim saating leeg. "Huwag mong subukan sumigaw dahil awtomatik na magigilitan ang leeg mo na parang manok! gusto mo iyon?"bulong nito kaya umiling iling ako.

"Good madali kalang pala kausapin."sabi niya at bigla akong pina amuyan ng nakakahilong pabango kaya naman halos manlamot ang aking mga tuhod at nakaramdam ako ng pagkahilo dito ay hindi ko na nagawang lumaban dahil kusang pumikit ang talukap ng aking mga mata. Naramdamanko din na binuhat ako ng lalaking iyon na parang isang sako.

At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Mark James.

CHAPTER 24 REWRITING OUR DESTINY

Minulat ko ang talukap ng aking mga mata dahil sa nakaka silaw na sinag ng isang bagay malapit saaking muka nang maaninang kong may tatlong lalaki na nag f-flash light direkta saaking muka.

Naririnig ko silang nagbubulungan at nagtatawanan ngunit hindi ko sila maintindihan dahil sa hilong nararamdaman dahilan para hindi ako maka concentrate at maka upo ng maayos. Naka upo ako dito sa sahig habang nakagapos ang aking mga kamay saaking likod pati ang aking dalawang paa.

"Mabuti naman zer! gising ka na akala namin hindi ka nanamin mapapa kinabangan pa"wika ng isang lalaki sabay lapit at hinawakan ang aking pisngi ng mahigpit. "Alam mo bang gusto kang singilin ng boss namin dahil sa malaking pag kakautang mo."bulong nito sabay bitaw ng pagkaka hawak saaking pisngi.

"Huwag mong takutin brad hayaan mo munang mag munimuni siya alam kong naninibago pa iyan, pero sayang naman iyang hitsura mo pare kalalaki mong tao bading ka pala yaks!"sabay dura saaking muka dahilan para ikuyom ko ang aking palad sabay tingin sakaniya ng masama. "Gago ka! bwisit ka!! nasaan ako! mga hinayupak kayo! pakawalan niyo ko!"

Tumawa lang sila at sa hindi inaasahan ay biglang may lumanding na paa saaking muka dahilan para bumulagta ako sa sahig at maramdamang may umaagos saaking ilong. Muli akong bumangon ngunit parang nahihilo ako sa malakas na sipa saaking muka.

"Huwag mo kaming pag sisigawan ng ganiyang hampas lupa ka! nasaan yung boyfriend mong pulis! ha! nasaan yung pinag mamalaki mong Zoren!"sigaw ng isang lalaki sabay apak saaking muka at bigla nitong diinan at doon halos mapa sigaw ako sa sakit.

"Tama na! masakit naaa!"nagpupumiglas kong sigaw ngunit mas lalo pa nitong dinidiin habang nag tatawanan sila.

"Tama na! nag mamakaawa ako hindi ko na kaya"sigaw ko at hindi maiwasang umiyak dahil sa matinding paghihirap, kahit na gusto kong lumaban ay hindi ko magawa dahil sa pagkakagapos ng aking kamay at paa.

"Iiyak na si bakla, hahaha tang ina mo! mga salot sinasayang niyo lang ang pag kalalaki niyo!"sigaw nito sabay apak ng aking kamay sa likod dahilan para maghihiyaw ako sa sobrang sakit. "Kung ano man ang nagawa kong kasalanan patawarin niyo na ako, gagawin ko ang lahat basta huwag niyo lang akong saktan, nahihirapan na ako."humahagolgol kong pagmamakaawa.

Tawanan sila...

Maya-maya ay may dumating na lalaki dito sa loob ng silid na aming kinalalagyan. Hindi ko siya maaninang dahil nanlalabo ang aking paningin. "Bakit naririnig ko itong nag sisisigaw?"boses nito at kung hindi ako nag kakamali ay si Mark James ito kaya marahan 'kong ginapang ang aking katawan palapit sakaniya at nag makaawa.

"Kuya, kung ano man ang naging kasalanan ko patawarin mo na ako, wala akong ginagawang masama sa'yo bakit niyo ako sinasaktan. Kuya alam kong mabait ka please paalisin mo na ako dito, ibalik mo na ako saamin."pagmamakaawa ko habang tumutulo ang dugo saaking ilong. Ibayong hinagpis ang aking nararamdaman, tila gusto kong halikan ang paa ni James para patawarin lang ako sa kasalanan ko kung meron man.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon