Chapter 17: It's time to say goodbye
Unting-unti kong minulat ang talukap ng aking mga mata at sinalubong ako ng makulimlim na kalangitan habang ang kurtina dito sa loob ng aking silid ay malakas na dinuduyan ng hangin dahil sa lakas nito. Agad akong bumangon ngunit bigla kong naramdaman ang kirot saaking ulo kaya napahawak ako dito.
Muli akong gumalaw at pumanhik papunta sa bintana ng aking silid at marahan ko itong isinara. December 23 na pala at bukas na ang bisperas ng pasko pero iba ang inaasahan kong pasko ngayon at malayong malayo sa paskong kinalakihan ko. Pakiwari ko ba'y malas ako sa taon ngayon dahil sa mga kaganapang lumipas at tila hindi parin ako nilulubayan ng sumpa ng nakaraan. Pinilit kong ngumiti sa harap ng salamin na nakakabit doon saaking aparador ngunit parang mahirap ikubli ang aking nararamdaman dahil sa kalungkutang nadarama.
Inayos ko ang aking sarili at saka ko pinihit ang pinto palabas at pumanhik na ako pababa, medyo maingay nadin doon sa baba kaya minarapat kong tignan ito. Medyo nawala ang lungkot saaking kaibuturan noong makita ko ang mga pamangkin at pinsan kong naglalaro sa sala, habang sina mama, lola at iba pa naming kapamilya ay masayang nag ku-kwentuhan sa kusina.
"Ken anak nandito mga tita mo halika mag meryenda ka muna."narinig kong pagtawag saakin ni mama mula saaming kusina.
"mamaya nalang po doon muna ako sa labas magpapahangin lang ako, at isa pa baka uulan na kukunin ko lang yung mga sinampay niyo sa labas"ngunit ang totoo no'n ay gusto kong lumabas muna para hindi nila akong tanungin patungkol kay harley.
Mabilis akong lumabas ng bahay at nagtatakbo ako papunta sa likod ng aming bahay para magpahangin lang sa tabing dagat. Pagdating ko dito ay bumungad saakin ang maliliit na alon na humahampas sa dalampasigan at makulimlim na kaulapan. Mahangin din dito sa dagat pero maayos na ito kaysa naman doon ako sa bahay na madaming katanungan patungkol sa asungot na iyon nakakainis at nakakahiya siya kahapon.
Napatingin lang ako sa kawalan habang dinadamdam ang ihip ng hangin na may dalang kakaibang lamig. Habang sa ganoong pagkakatayo ko ay umupo muna ako sa buhanginan at hihintayin ko nalang na umulan mabuti narin iyon para makaligo ako ng ulan matagal na kasing panahon noong huli akong naligo nito.
_________________________________________ROXY CALLING
babati palang sana ako nang unahan na ako nito at tila kinakabahan ito. "Beshy anong nangyari sainyo ni Harley? nag away nanaman ba ka yo?"natataranta nitong bungad.
"Hay! nakakainis siya! nambugbog ng tao kahapon doon sa parking lot sa plaza mabuti at walang nakakita saamin maliban sa dalawang anak ni Zoren."naiirita kong tugon.
"Ano? nagkita nanaman kayo ni Zoren?"sigaw nito kaya nakunot ang noo ko.
"Oo saka hindi naman ako nakipag kita, nakita lang ako sa labas ng mini mart pupunta sana ako sa mall para bumili ng regalo sa sarili ko."
"alam mo ba na tumawag ako kanikanina lang doon sa bahay niyo ni Harley! umiiyak siya! mag papakamatay nalang daw siya kasi mas masakit daw na makita kaniyang may kasamang iba kaya tatapusin na daw niya yung buhay niya! hello nakikinig ka ba?"
Call Ended.
_________________________________________
Halos mabingi ako sa sinabi ni Roxy saakin kaya agad akong bumalikwas saaking kina uupuan saka ako nagtatakbo paalis ng tabing dagat. hindi na ako nag ayos pa ng aking sarili at mabilis na tinahak ang kalsada upang mag-abang ng trysikel. halos mapatid ang aking hininga at matuyo ang aking lalamunan dahil sa matinding pagod ngunit mabuti nalang ay may paparating na trysikel kaya tumigil muna ako at pinara ito."Mukang nag mamadali ka Ser? saan po ba kayo pupunta emergency po ba?"bungad saakin ng driver kaya tumango nalang ako at napa pikit dahil sa matinding pagod. Agad akong sumakay sa loob at binilisan niya ang takbo ng kaniyang sasakiyan.
Ilang minuto ang lumipas ay pilit kong kina kalma ang aking sarili hanggang sa nakarating na nga kami sa dati kong tinitirahan ang bahay namin ni Harley. "Heto kuya 30 pesos keep the change nalang po."nagmamadali kong wika saka ako pumasok sa tarangkahan.
Walang masiyadong imik at bakas ng ingay sa loob kaya lumukob saakin ang pangamba at takot saaking pagkatao na baka maabutan ko si Harley na patay na. "Harley nandiyan ka ba?"nanginginig ang aking mga kamay saka ako pumasok sa loob.
Bumungad saakin ang kalat kalat na gamit, madaming bote ng alak at ang iba ay basag. May mga pinagkainan ng cup noodles at chichirya na nakakalat sa sahig at mga gamit at kasangkapan na naka kalat na tila dinaanan ng delubyo. Masangsang ang amoy at hindi ito kaaya aya pero pinag patuloy ko pa din ang paglalakad.
Ilang sandali pa ay may narinig kong humihikbi si Harley mula sa kung saan kaya agad ko itong hinanap. "Harley nasaan ka, please mag pakita ka na huwag mo akong takutin please."paki usap ko hanggang sa marating ko ang kusina na kung saan naka upo siya doon sa lababo habang naka hawak ng kutsilyo at naka tutok sakaniyang kaliwang pupulsuhan dahilan para magulantang ako saaking nakita.
"Harley! bitiwan mo iyan huwag!"sigaw ko nang biglang sumirit at umagos ang dugo nito sakaniyang kamay.
Tila slow motion ang pag bagsak ng kutsilyo sa sahig at patuloy ang pag danak ng dugo sakaniyang kamay. Nakatingin lang si Harley saakin at mugto ang kaniyang mga mata, tila nakaramdam ako ng awa at guilty saaking pagkatao.
Hindi ko maigalaw ang aking mga paa na tila nanigas na ito, pero pinilit kong ibalik ang aking ulirat at doon malaya akong nag tatakbo sakaniyang kinauupan. "Harley please huwag kang pipikit please no! Harley!"
Halos mapasigaw ako sa takot! noong unti-unting pumikit ang talukap ng kaniyang mga mata kasabay ng pagbagsak ng kaniyang katawan ngunit agad ko itong nasalo at naalalayan. Agad kong inabot ang gunting na nakasabot sa lalagiyang ng kagamitan malapit dito sa lababo at pinag gugunting ko ang aking suot na damit saka ko itinali sakaniyang nag durogong kamay.
Hindi ako maka kilos ng maayos dahil sa matinding nerbyos at takot nadin, hindi ko din maiwasang maiyak dahil sa nangyari kay Harley.
_________________________________________JOWARD DIALING..
"elow Ken napa tawag ka?"
"Joward please mag padala ka dito ng ambulansya si Harley! nag laslas ng kamay please bilisan mo!"
"Sige sige"natataranta nitong wika
Call Ended.
_________________________________________
Muli akong napa tingin kay Harley habang akay akay ko siya. "Sorry Harley, sorry talaga please patawarin mo ako."umiiyak kong wika at doon naisip kong pasanin ito para salubungin nalang namin ang ambulansya sa daan. Kailangan kong umakto dahil buhay na ni Harley ang naka salalay dito.
May kabigatan si Harley ngunit pilit kong binibilisan ang pag lakad hanggang sa dumating na nga ang ambulansya.
"Kami na ang bahala dito ken, kumalma ka guys yung stretcher."sabi ni Lovely at doon linagay nila si Harley sa stretcher. Agad akong sumakay at doon mabilis naming tinahak ang daan papunta sa ospital. Sana makaligtas si Harley hindi ko alam ang gagawin ko kung mapapa hamak siya dahil lang saakin.
itutuloy..
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay